in

Pustahan sa Mobile Legend, nauwi sa saksakan sa Padova

Isang matinding away sa pagitan ng 2 gruppo – magkapatid na 25 at 30 anyos at mag-pinsan na 20 at 21 anyos ang nauwi sa saksakan kahapon, July 18 sa harapan ng isang supermarket sa via Rubaltelli, Arcella Padova. 

Ayon sa mga ulat, ang apat na Pilipino ay nagkita-kita matapos ang isang pustahan sa Mobile Legend isang buwan na ang nakakalipas. Ang 20 anyos ay natalo ng 25 anyos ng €50 sa pustahan. Mula dito ay nagkaroon umano ng hamunan sa pagitan ng dalawang partes. 

Mula sa hamunan at pagtatalo ay nauwi ang apat sa suntukan at rambulan hanggang sa umabot sa saksakan. 

Ang 25 anyos umano ang humugot ng kutsilyo laban sa mag-kapatid. Nasaksak ang 20 anyos sa tiyan. Samantala, sinubukang umawat ng 21 anyos, isa sa magpinsan, ngunit pati sya ay nasaksak naman sa braso. 

Tumawag ng pulis ang mga residente at ang mga nakasaksi ay malaki ang naitulong upang madampot ang magkapatid. Ang apat ay kinasuhan ng ‘rissa aggravata’ at ang 25 anyos ay kinasuhan ng ‘tentato omicidio’. 

Ang 21 anyos ay nakalabas na ng ospital at ang 20 anyos naman ay naka-confine pa rin smatapos maoperahan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Apat na Pilipino, pasok sa Commissione Stranieri sa Comune di Padova

Sant’Egidio, nagbukas ng vaccination center para sa mga walang tessera sanitaria