in

QUEVEDO, BAGONG APPOINTED NA CARDINAL NI PAPA FRANCESCO PARA SA PILIPINAS

Cotobato Archbishop Orlando Quevero ay pormal na hinirang bilang kardinal. Inaasahan itong makakatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Rome, Pebrero 26, 2014 – Isang kardinal mula sa Pilipinas ang nakapasok na naman sa College of Cardinals matapos ang isang magarbong seremonyas na pinamunuan ni Papa Francescao sa Basilica di San Pietro sa Roma noong Pebrero 22.

Si Cotobato Archbishop Orlando Quevero ng Pilipinas ay  isa sa  19  na  itinaas ng Supreme Pontiff  na maging kardinal at  tumanggap ng scarlet-red beretta at gintong singsing, ang simbolo ng isang ganap na kardinal.  Siyam sa  19 cardinal ay mula sa South America, Africa at Asia.

Dumating sa naturang pagdiriwang  si dating Pope Benedict XVI, ang kauna-unahang papa na nag retiro mula pa ng Middle Age, na nakaupo sa unahan kasama ng mga bagong kardinal.

Ang mga bagong kardinal, kung saan labing-anim sa kanila ang wala pang 80 ang edad, ay  magiging kasali sa College of Cardinals na pipili sa bagong papa  mula sa kanilang hanay sa isang secretive conclave sakaling mamatay o magretiro ito sa pwesto. 

Maglilingkod si Cardinal-designate Quevedo bilang ‘cardinal elector’ hanggang sa Marso ng taong 2019.

Ayon kay Papa Francesco, ang mga bagong cardinal ay dapat maging “peacemakers “ at maging daan sa pag-asa at panalangin.

Kailangan aniya kayo ng simbahan, ang inyong kooperasyon at lalo na ang inyong communion. Kailangan ng simbahan ng inyong tapang o lakas ng loob, dagdag pa nito.

Ipinanganak noong ika-11 ng Marso taong 1939 sa Sarrat, Ilocos Norte ang pitumput apat na anyos na si Quevedo ay ang unang cardinal na in-appoint ni Papa Francesco,  pang-walong cardinal ng Pilipinas at ang unang hinirang mula sa Mindanao.Siya ay dating presidente ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) mula 1999 hanggang 2002. Sa kasalukuyan, siya ang pangalawang cardinal sunod kay Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ang ibang Filipino cardinal ay sina Rufino Santos, Julio Rosales, Jaime Sin, Ricardo Vidal, Jose Sanchez at Gaudencio Rosales.

Samantala, ikinagalak naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang pagkakabilang ni Quevedo sa College of Cardinals.

Isa si Archbishop Quevedo sa mga sumusuporta sa Bangsamoro Framework Agreement, kaya naman inaasahan na ang kanyang pagiging kardinal ay makatutulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Isa sa prominenteng bisita na dumating sa okasyong ito ay si Congresswoman Imee Marcos ng Ilocos Norte, ang panganay na anak ni dating President Ferdinand Marcos. (Raquel Romero Garcia)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang konsyerto ng mga kabataan, para kay Jam

Cardinal TAGLE, nagmisa sa Duomo di Milano