in

Quezonians Group of Firenze, itinatag

Ika-20 ng buwan ng Mayo, kapanahunan ng tagsibol, at tamang panahon din para sa mga taga Quezon Province upang opisyal na itatag ang kanilang mahal na “Quezonians Group in Florence”.

Ang pagkakatatag na ito ng samahan ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang mahal na Patron na si San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka.

Maraming bayan sa Pilipinas ang nagdiriwang sa nasabing pista, pero ang isa sa pinakatanyag ay ang Pahiyas Festival sa Quezon Province na ayon sa kasaysayan ay nagsimula bilang isang pasasalamat ng mga ninuno ng mga taga-Lucban sa kanilang mga anito.

Nagtitipon-tipon sila sa isang “tuklong” o maliit na bahay kung saan magpupugay sila sa kanilang mga diyos at magsasalo-salo upang masiguro ang masaganang ani sa susunod na taon. Sa pagdating ng Kristyanismo sa bansa, patuloy pa rin nila itong ginawa pero dinala nila sa simbahan ang kanilang ani, na siyang binasbasan ng pari bilang pasasalamat sa Panginoon. Sa sumunod na taon ay mas dumami ang kanilang ani na lalong nagpatibay ng kanilang pananampalataya sa Diyos at sa patron nitong tagapamagitan na si San Isidro Labrador.

Taglay ang makabuluhang tradisyon na ito, ang mga taga Quezon province sa Firenze ay nagtakda ng araw ng pagdiriwang na pumatak sa araw ng linggo ng ika-20 ng buwan ng mayo sa Circolo Sette Santi sa Firenze. Sinimulan ang ebento sa pamamagitan ng Banal na Misa na ipinagdiwang na may makulay na altar na masusi at maingat na inihanda nina Arlene Abutin at Erick Abutin ng Santo Rosario Firenze. Ang presiding priest ay si Fr. Roger ng Montesenario sa Firenze.

Ang pagdiriwang ay nagpatuloy pagkatapos ng banal na misa. Nagkaroon ng maiksing programa, kasama ang dalawang mahusay na emcees na sina Leo Piñon at Arlene Abutin. Sa programang ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga Quezon na maibahagi ang kanilang mga tradisyon sa mga panauhin na masayang nakiisa sa kanilang ginawang pagsasaya. Nagkaroon ng sayawan at mga palarong tradisyunal tulad ng pabitin at iba pa. Nagbigay din ng mensahe ang iba’t ibang lider ng mga nagsidalong organisashyon.

Dagdag kulay din sa nasabing pagdiriwang ang pagdalo ni Elijah Nicole Melo, ang Miss International Tourism na pambato ng Pilipinas sa gagawing kumpetisyon ngayon buwan ng hunyo sa Bulgaria. Nagpaabot sya ng mensahe lalong lalo na sa mga kabataan: “Huwag kayong titigil sa inyong mga pangarap. Sikapin na abutin ang lahat ng inyong minimithi at maging inspirasyon sa ibang tao lalong lalo na sa inyong mga magulang na nagsasakripisyo para sa inyong kinabukasan”. Ang kanyang mga magulang na sina Rogener Meloat Maria Sarina Meloay mga OFWs dito sa Italya na naninirahan sa Pietrasanta, Lucca.

Naging maayos at matagumpay ang pagdiriwang na ito dahil sa pamumuno at gabay ng kanilang President na si Teddy Manongsong at ni Vice President Marites Ortega sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga Advisers na umalalay at patuloy na sumusuporta sa nasabing bagong tatag na grupo.

 

Quintin Kentz Cavite Jr

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2 Pinoy na sangkot sa Shabu, timbog sa Roma Capitale

ANG BAYAN KONG PILIPINAS