Madaling pagkilos para sa mga nasalanta ng lindol o ang GPII-ILC Quick for Quake
Rome, Abril 11, 2012 – Ito ang tema ng ginanap na talent search na pinangunahan ng GPII-ILC (o Guardians Philippines International Incorporated – Italy legion Chapter) sa Via Sto Stefano Pisa Italy noong nakaraang Linggo sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
Ang nasabing contest ay naglalayong makalikom ng pondo para sa mga naging biktima ng lindol sa Masbate.
Positibo ang naging tugon ng Filipino Community sa magandang hangaring ito. Siyam ang naging contestants mula pa sa Livorno, Montecatini, Siena at Roma na puro kabataan ng ikalawang henerasyon na nagpakita ng husay sa awitin at sayawan. Gayun din, ipinakita ng mga kabataang ito ang tatak ng pagiging GLOBAL TALENT ng mga Pinoy saan mang panig ng mundo, at higit sa lahat ang dugong Pinoy na di-inalintana ang pagod upang maging bahagi ng isang magandang hangarin ng pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng kalinga sa ating bansang Pilipinas.
Ang mga lumahok ay sina: Kayla Diane Magmanlac ng Livorno, Camille Cavaltera ng Montecatini, Jherica Tantay Valenzuela ng Livorno, Ricky Ortega ng Siena, Divina Lasin ng Siena, Lee-J Ramirez ng Roma, Elaiza Pecayo ng Pisa, Marco Mari ng Rome at Rose Argentine Alviar ng Rome.
Hinakot naman ng mga kabataang buhat sa Rome ang mga premyo. Sa 3rd place si Marco Mari, sa 2nd place naman si Rose Argentine Alviar at tinanghal na GPI – ILC Got Talent Winner si Lee-J Ramirez.
“Una sa lahat, hindi ko po inaasahan na mananalo ako dahil magagaling ang lahat ng contestants. Salamat dahil para sa akin ito po ay isang inspirasyon upang ipagpatuloy ko ang aking pagsayaw at sana po ay maging inspirasyon din ako para sa ibang kabataan”, ayon kay LeeJ.
Hindi naging madali ang role ng mga judges. “Walang tulak kabigin, lahat ay winners”, ayon pa sa mga naging judges na sina Percival Capsa, Gloria Jimenez at ang kilalang mang-aawit at aktres na naging panauhing pandangal na si Kristina Paner na nagbuhat pa sa Espanya.
Ang dalawang awitin ni Kristina Paner ay nagpabalik tanaw sa mga panahong ang karamihan ay nasa Pilipinas pa. Tila na home sick ang mga panauhin sa awiting “Tamis ng unang halik” na sumikat ng taong 1989.
Naging panauhin rin ang “Mutya ng Pilipinas Italy 2012” na si Fatima Grace Santos.
Lubos ang naging pasasalamat ng mga organizers na sina GPII-TILC Overall founder at VP for operations FRMG Gerardo” TIGRE” Sebastian at GPII-ILC GEN. SEC. FRMG Imelda “DYOSA” Agustin;
MFGBF Diomedes ” NAZARETH” Larido, GPII-IRON EAGLE PISA CHAPTER, GPII GOLDEN HAWK FLORENCE ITALY LEGION CHAPTER, GPII ROYAL ANCHOR MONTECATINI LEGION CHAPTER, GPII MAHARLIKA LIVORNO LEGION CHAPTER. Sa kanilang mga sponsors Confederazione Comfil Tuscana, FEA, Golden Group, Mr. & Mrs. Chris Jimenez, RCBC, BDO, Mr Percival Capsa, IMG, ASEA, GMA 7, Century, GBBII at Teresita Geronimo.
“Sa lahat ng naging bahagi ng Quick for Quake Got Talent, sa mga dumalo at nagpaunlak sa aming layuning makatulong sa ating bansang Pilipinas, maraming salamat po sa inyong lahat”, pagtatapos pa ni Imelda Agustin.