in

Rakrakan sa Europa 2013, tagumpay sa Roma!

Roma, Setyembre 10, 2013 – Dumating sa Italya sa unang-unang pagkakataon ang sikat-na-sikat na banda, ang AEGIS na lalong nagpa-init sa mainit pang panahon sa Italya sa kanilang concert tour “Rakrakan sa Europa 2013”, na ginanap sa Palatiziano Roma noong nakaraang linggo.

Sinimulan ang konsyerto sa pagpapakitang-gilas ng mga local bands tulad ng "The Fishcake", "Kaibigan band", "Cool Sensation Band". Makalipas naman ang ginawang fashion show ay nag-biritan ang mga local singers na sina Cesar Mina, Luisito Brasil at humataw naman ang Sossy girls. Tunay na umaliw sa patuloy na pagdating ng publiko hanggang sa tuluyang mapuno ang venue at tunay na hinangaan ng publiko bago pa man lumabas ang pinakahihintay na idolo.

Ang tatlong magkakapatid na Sunot – sina Juliet, Mercy at ang pinakabago sa grupo, si Ken ay masayang-masaya sa pagbisita sa kanilang mga fans sa unang pagkakataon dito sa Roma. Kasama ang keyboardist na si Stella Galindo, sa bass guitarist na si Rowena Pinpin, ang drummer na si Vilma Goloviogo at ang nag-iisang lalaki sa grupo, si Rey Abenoja ang guitarist. Ang grupo mula  Mindanao ay nabuo noong 1998 at patuloy na nagbibigay aliw sa kanilang mga fans. Itinuring na all time favorites ang kanilang mga awitin tulad ng Halik, Bakit, Luha, Dukha, Basang Basa sa ulan, Pagsubog at marami pang iba kabilang ang cover song na Titanium ni David Guetta at ang rock version nito. Mga awiting kilala ng mga Pinoy saang parte man ng mundo, na kanilang inawit at lalong nagpadagundong sa hiyawan ng mga dumalo sa konsyerto.

Magkakasunod na kumanta ang 3 magkakapatid sa loob ng isang oras at kalahating rakrakan. Sinimulan ni Juliet, ang higit na nagbigay aliw sa publiko dahil sa pagiging rocker nito, samantala hindi naman nagpahuli sina Mercy at Ken na kahit tila mahiyain kumpara kay Juliet ay naging mistulang paligsahan ang konsyerto dahil sa powerful voice ng 3 mang-aawit.

Hindi nawala ang public participation sa konsyerto, ang pag-awit kasabay ng kanilang mga idolo. Pagkakataong nagbigay tuwa at di-malilimutang pagkakataon ng publiko.    

Mapapanood rin ang Aegis sa nalalapit na Sept 14 sa Genova at Sept 15 sa Milan bago tuluyang bumalik sa Pilipinas.

Taos pusong pasasalamat naman ang iniwang mensahe ng magkakapatid sa lahat ng sumoporta sa konsyerto at sa mga patuloy na susuporta sa kanilang career, sa panayam ng Ako Ay Pilipino. (ulat at larawan ni Stefano Romano)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Il futuro è troppo grande. Re e Zhanxing arriveranno al cinema?

Higit sa 3,732 OFWs, nakakulong sa 53 bansa