in

Randy Bosque, Hari ng 9-Balls sa Italya

Roma, Enero 30, 2014 – Sa pagpasok ng taong 2014 ay nasargo ni Randy Bosque ang titolong ‘Hari ng 9-Balls sa Italya’ na ginanap noong ika-5 ng Enero sa The Cathedral Billiard Room. Mula sa Firenze, napanalunan ni Randy ang titolo mula sa 16 na manlalaro na nagbuhat  pa sa Vicenza, Milan, Firenze, L’Aquila at gayun din sa Roma.
 
Matatandaan na si Randy rin ang tinanghal na Hari ng 9-Balls noong Marso ng nakaraang taon.
 
Narito ang listahan ng mga manlalarong lumahok:
Mula sa Firenze: Randy Bosque at Emerson Bosque
Mula sa Vincenza: Mark San Juan
Mula sa Milano: Albert Diaz, Erwin Recinto, Julius Luya
Mula sa L’Aquila: Eddie Gonzales at Ruben Gonzales
Mula sa Roma: Kenneth dela Cruz, Catalino Manuel, Jigs dela Pena, Joseph Delen, Joel Camposo, Aldrin Salazar, Bryan Bahiya at Nestor Licud.

 

Hinati sa 4 na grupo ang mga manlalaro. Kinakailangang ang 2 manlalaro ng isang grupo para umabante sa quarter finals at aabante naman sa semi-finals ang mga manlalarong mananalo sa quarter finals. Si Julius Luya ng Milano ang naka-ika 2 pwesto samantalang  si Joseph Delen ng Roma ang ika-3 pwesto.
 
Magkahalong pagmamalaki at pasasalamat ang binangit ni Teddy Perez ng AS Fil-Roma sa lahat ng mga patuloy na nagbibigay ng suporta sa inisyatibang ito lalo’t lalo na ang suporta ng mga kampeon ng bilyaran na dumayo pa sa Roma upang patunayan kung sino nga ba ang tunay na hari ng bilyaran dito sa Italya.
 
Todo todo rin ang suporta ng ilang kababayan mula sa labas ng Roma tulad ng Samahang Pilipino ng L’Aquila sa pangunguna ng pangulo na si Janet Gonzales. Hangad din ng pangulo na sana’y makadayo rin sa kanilang lugar ang mga manlalaro. 
 
Bukod sa cash prizes at tropeo ay may Certificate of Appreciation ang lahat ng mga lumahok sa larong ito. (ni: Jacke de Vega)
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Appointment sa SUI sa Roma gamit ang smart phone, inilunsad!

Ed Frisnedi Cup