Milan – Pinagkaguluhan ng mga Pinoy dito sa Milan si Randy Santiago sa ginawang performance nito sa Cavalieri Hotel Cavalieiri kamakailan para sa Caravan show ng isang malaking real estate developer.
Kilig to the bones pa rin ang mga OFW kay Randy dahil sa galing pa rin nitong mag perform. Tili at hiyaw ang salubong ng mga fans sa paglabas ng singer/host actor ng kapamilya network.
Higit na naging masaya ang gabi nang hilahin ni Randy ang mga guests upang makisayaw at maki-kanta sa kanya. Karamihan sa mga dumalo ay mga OFW na nag-invest para may matirhan sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Sinamantala na rin ni Randy ang plugging ng kanyang bagong non-time show na Happy Yippee Yehey sa kapamilya network.
Mahigit sa labing-limang katao ang agad na nag pa reserve on the spot para bumili ng bahay at lupa o condominium units para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Ibinahagi ng top seller na si Evelyn Magsino ang kanyang mga karanasan kung papaano makahikayat ng mga OFW para mag invest at maghanda sa kanilang kinabukasan.
Ayon sa kanya, ang sekreto ay ang ikuwento ang kanyang naging karanasan bilang kliyente rin ng nasabinhg real estate developer bago pa pumasok sa nasabing kumpanya. Satisfied daw sya sa kanya’ng nabiling unit.
Sa naging resulta ng roadshow, lumalabas na marami pa ring Pinoy ang naghahanda para sa kanilang kinabukasan at pagbabalik sa Pilipinas.
Krisis man daw sa ngayon, mahalaga pa ring paghandaan ang kinabukasan kahit dahan-dahan lang. (Zita Baron)