Dagundong ng mga bola at salpukan ng mga bulilyo ng bowling kasabay ng saya ng mga migranteng Pilipino sa Brunswick Bowling Roma nuong nakaraang 27 ng Mayo, 2018 ang pawang maririnig ng matagumpay na naidaos ang “one day bowling tournament” na pinangunahan ng Rome Bowlers Association (RBA-KNIGHTS) sa pakikipagtulungan ng FEDERFIL Sports League Italy-Europe
Isa ang bowling sa mga larong inilulunsad ng Federfil Sports League dito sa Italya. Layunin ng asosasyon na hikayatin ang mga Pilipino dito sa Italya na pag-ukulan din ng panahon ang mga larong makakatulong pangkalusugan at pakikipag-ugnay sa mga kababayan.
“Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa Federfil Sports League-Bowling kasama ang RBA-Knights at ganun din sa mga kinatawan ng mga asosasyon ng Federfil sa buong Italya para sa kanilang suporta sa aming misyon kasama na din ang “sports” at hindi lamang panglipunan at pang kultural. Sikapin nating maitaguyod at mapalaganap pa ang “sports” sa ating mga Pilipino dito sa Italya” Ito ang pahayag ni Mr. Ariel Lachica, ang chairman ng FEDERFIL-Italy Europe Intl.
Hinati sa dalawang bahagi ang torneo. Naunang naglaro ng Single’s at matapos ang tatlong laro ng eliminasyon ay sinundan naman ng isang laro sa final round. Ang pangalawang bahagi ay ang Tris. Labingwalong (18) koponan ang naglaban-laban sa Tris at ang unang apat na matataas na puntos ang umakyat sa “podium” May dalawang kategorya ang mga manlalaro, ang Bowlers at Non-bowlers. Ang torneo ay nilahukan ng mahigit kumulang na 60 manlalaro mula sa Ascoli, L’Aquila, Pescara, Teramo, Napoli, Roma at iba pang bahagi ng Italya. May ilan ding mga kaibigang mga manlalarong Italyano ang sumali sa palaro. Dumating din si Sami Aljone Diego isang manlalaro mula pa sa Greece para sumuporta sa palaro ng RBA Knights at Federfil.
Tris Bowlers
Champion: Simple-Joel-Baby
2nd: Bruce-Mario-Rico
3rd: Panot-Edison-Larry
4th: Leo-Mark-Randy
Tris Non Bowlers
Champion: Janet-Shiela-Lolit
2nd: Norly-Speedy-Eddie
3rd: Ruben-Richard-Paul
4th: Kap-Jepong-Cristy
Single Men Bowlers
Champion: Randy
2nd: Simple
3rd: Mario
4th: Geniune
Highest score – Ederlen
Single Women Bowlers
Champion: Baby
2nd: Tin
Highest score – Baby
Single Men Non Bowlers
Champion: Feling
2nd: Kap
3rd: Eddie
4th: Paul
Highest score: Feling
Single Women Non Bowlers
Champion: Cristy
2nd: Shiela
3rd: Emily
4th: Michele
Highest score: Shiela
Nakatanggap ng tropeo at cash ang mga kampeon at nagkamit naman ng medalya at regalong groceries na inihanda ng Asean’s Store ni Janeth Gonzales ang iba pang mga nagwagi.
Ang RBA-Knights na itinatag ni Edison Singson kasama sina Larry Dancel, Cristin Lin, Amy Isip at iba pang mga kasapi sa grupo ay patuloy na nagbibigay ng mga tulong sa mga paaralan sa Pilipinas. Ang ilan dito ay ang Pagala Elementary School sa Bucay, Abra at Alaminos City National High School.
“Masayang nakikita ang mga manlalaro na nasisiyahan na sa paglalaro ay nagiging bahagi pa sa mga proyekto namin sa mga paaralan sa Pilipinas. Sisikapin naming masundan pa ang mga palaro at ng sa gayun ay magkaroon pa ng marami pang proyekto ang RBA-Knights. Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta” ito naman ang binigkas ni Larry Dancel ang Presidente ng RBA-Knights.
Teddy Perez