in

RBGPII Golden Heart, nasa unahan ng kawanggawa sa Firenze

RBGPII Golden Heart Firenze

Hanggang sa huling patak ng dugo’, yan ang kadalasan naririnig natin sa samahang Guardians. Pero sa Firenze, hanggang sa huling patak ng kanilang mga bulsa para makapagpamigay ng food pack sa mga nagigipit na kababayan.

Mahigit 50 pamilya na ang nabigyan ng RBGPII Golden Heart Firenze sa ginagawa nilang kawanggawa. Nagpatakpatak ng 15 euro ang bawat kasapi at kumuha sa kanilang pondo para maitaguyod ang programa. Dahil dito nakaipon ang grupo ng panimulang kapital. Nasundan ito ng mga donasyon mula sa ibang mga kababayan. At gumulong na ang nabuong ideya na mamahagi ng food pack.

Sa ngayon, nasa 3rth wave na ang samahan sa pamimigay ng groceries. Sinabi ni Presidente Renz Ortega na, ‘ginagawa namin ito dahil aming nakita ang pangangailanagn ng ating mga kababayan. Nais naming buhayin ang diwa ng bayanihan sa gitna ng krisis pangkalusugan’.

Marami sa Firenze ang nangawalan ng trabaho. Higit na tinamaan ang nasa sektor ng Turismo at Domestiko. Marami din ang mga may edad na nagtatrabaho, na dahil sa outbreak ay natakot na rin lumabas sa kanilang bahay. Kaya ang ilan sa kanila ay hinahatiran mismo ng grupo sa kanilang mga tahanan. 

May pagkakataon din na inaanunsyo nila ang lugar kung saan ipapamigay ang foodpack para doon kuhanin ng nangangailanagan. Simple lang ang pamantayan na itinakda ng grupo. Nawalan ng trabaho at hindi pa nakakatangap ng anumang ayuda mula sa Caritas at Red Cross o sa Comune ng Firenze.

Sa Comune di Firenze ay tinatayang may humigit kumulang na 5,000 mga residenteng Pilipino. Samantalang sa Regione Toscana ay may halos 13,300 residenteng Pinoy. Ang mga datos ay batay sa ISTAT hanggang Enero 2019. (Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

January 26, simulang kumalat ang Covid19 sa Milano

Cash Assistance mula sa DOLE, may nakakatanggap na sa Italya