Ang bawat Overseas Voter sa 77 posts sa buong mundo, kasama ang Rome, Milan at Vatican City, ay mayroong bagong pamamaraan ng pagboto para sa nalalapit na 2025 Midterm Election. Ito ay ang OVCS o Online Voting and Counting System.
Ang online o internet voting ay isang sistema ng pagboto kung saan ang mga botante ay maaaring bumoto gamit ang internet sa halip na pisikal na pumunta sa isang polling station. Sa sistemang ito, ang pagboto ay ginagawa sa pamamagitan ng mga electronic device tulad ng mga computer, tablet, o smartphone.

Handa ka na ba sa Online Voting?
Una sa lahat, siguraduhin ang status bilang isang overseas active voter, sa pamamagitan ng official list mula sa Comelec.
Narito ang Europe Certified List of Overseas Voters (CLOV) mula sa COMELEC:
Pagkatapos, bago sumapit ang botohan, kailangang gawin ang Pre-Voting Enrollment, kung saan mag-eenroll ang Ofw ng kanyang device at biometrics. Ito ay magsisimula sa March 10 hanggang May 7, 2025. Ito ay para ireconfirm ang kanyang registration bago simulan ang 30 araw na online election na magsisimula sa April 13 hanggang 7:00 pm (Phil Standard Time) May 12, ang election day sa Pilipinas.
Paano gagawin ang Pre-Voting Enrollment?
Sa Pre-enrollment ang mga filipino overseas voters sa 77 posts sa buong mundo ay kailangang mag-sign up online sa Comelec Voting Portal sa pamamagitan ng isang valid email address at password. Kakailanganin din ang valid ID o passport.
Kailangang sagutan ang Internet Voting Enrollment form ng overseas voter gamit ang email address o tel number at password. Pagkatapos ay makakatanggap ang ng OTP (One Time Password).
Pagkatapos ay kailangang gawin ng overseas voter ang identification process.
Sa bahaging ito ay ika-capture ng Sistema ang facial image ng cover. Pagkatapos ay kukunan ang harap at likod ng kanyang ID o dokumento na ginamit sa registration. Sa puntong ito ay hahawakan ang kanyang ID o dokumento habang ivi-video ito ng Sistema.
Susunod naman ang Validation Process. At pagkatapos ay makakatanggap ang voter ng access link sa Voting Portal sa pamamagitan ng email o sms.
Samantala, magkakaroon ng mga OVCS kiosks sa mga Embassies at Consulates esklusibo para sa mga computer illiterate, PWD, Senior citizen at mga pregrant.
Ang LINK para sa Pre-Enrollment ay ipo-post sa mga official website at social media account ng COMELEC at DFA.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang mga official websites ng PE Rome, PCG Milan at COMELEC.