in

Rehabilitation project para sa Bohol at Samar, patuloy!

Matapos ang immediate relief, patuloy ang ITA-FIL CARE sa rehabilitation project .

Roma, Pebrero 1, 2014 – Sa PRE-VALENTINE CELEBRATION sa ika-9 ng Pebrero sa TEATRO VIGANO (Piazza Antonio Fradeletto 17 – ROMA) ang ITA-FIL CARE (Italo-Filipino Concerted Action for Relief, Rescue and Rehabilitation) ay pormal na ilulunsad at ilalahad ang ikalawa nitong malaking proyekto. Paanyaya sa lahat ng mga Pilipino at mga kaibigang Italyano at iba pang lahi sa dalawang oras na solidaryedad at kasiyahan: “Enjoy Filipino Talents at its best and help Yolanda Victims and be blest”.  Ilang grupong kultural ang magbabahagi ng kanilang talento at kakayahan. 
 
Matatandaan na ang ITA-FIL CARE ay inilunsad bunga ng pangangailangan para sa isang buo, pangmalawakan at laging-handang pagtugon sa mga panawagan ng emerhensya sa ating bansa, na ayon sa mga eksperto ng U.N. ay ikatlo sa 10 bansa sa mundo na may pinakamataas ng panganib ng kalamidad ng kalikasan, tulad ng mga matinding bagyo, baha at lindol. 

 
Sa unang Proyektong Biglang-Saklolo (Immediate Relief), ay inampon ang DIVINE WORD HOSPITAL sa Tacloban. May kabuuang €12,515.36 (o Ph 624,101.42 noong Disyembre 2013) ang naipadala sa mga madreng Benedictines na namamahala ng ospital. Dahil dito, nakabili ang mga madre ng OMNIBUS LAB EQUIPMENT sa halagang Ph 427,133.17. Ang labis at ang naunang €1,096.90 ipinadalang tulong sa pamamagitan ni Padre Erwin Balagapo ay ginamit naman ng mga madre upang bumili ng kailangang-kailangang gamot. Ang kabuuang halaga ng itinugon sa Tacloban ay umabtot sa €13,612.26.
 
Ang AFRAM, grupo ng mga africano sa FAO at mga sangay nito ay nagpahabol ng €2,000.00 para pa din sa Ospital sa Tacloban. 
 
Sa pangalawang proyekto, ang Rehabilitation Project, ay naglalayong magpatayo ng di-pangkaraniwang SILID-PAARALAN (matibay at may kakayahang salagin ang hangin na may bilis na 285 kilometro bawat oras at lindol na may lakas na 7.8 sa Richter scale) sa Bohol at Samar. Ilang Institusyon at grupo na ang nagpahiwatig na maging PARTNER ng ITA-FIL CARE.
 
Nagpahiwatig bilang posibleng mga major partners ang HELPFUND ng IFAD, MUNICIPIO XV, MUNICIPIO IX at PARROCCHIA DI PONTE GALERIA. Nag-abot din ang komunidad ng mga Pilipino sa Cisterna di Latina ng €250.00 at ang PROVIDA, grupo ng mga Latino Americano, ng €300.00. Ilang indibidwal ang nagpahiwatig din pag-partner sa proyekto.
 
Samantala, kasalukuyang tinatapos ang negosasyon para sa partner sa Pilipinas, ang grupo ng mga kabataang propesyonal na Boholanos – OPLAN BANGON BOHOL (OBB) upang mamahala, mag-monitor at magsagawa ng regular na report ng Proyekto.
 
Bigyan natin ng pag-asa ang mga biktima ng lindol, bagyo at baha. Ituloy ang solidariedad at pagtutulungan. “There is hope, because you care”. 
 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus bebè 2014

VIVA SEÑOR SANTO NiÑO