in

Repatriation at funeral expenses ni Marilou Reyes, sinagot ng kanyang employer

Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, dumating sa Milan nitong August 22si Ralph Lawrence Reyes, ang panganay na anak ni Marilou Reyes, ang 54 anyos na Pinay na namatay  sa pagkakahulog mula sa ika apat na palapag sa isang gusali sa Via Cesare Batistti 2 sa Milan habang naglilinis ng bintana. Sa tulong ni Labor Secretary Silvestre Bello III ay napadali ang pagbibigay ng 12-day special visa kay Ralph papuntang Italya.

Pormal na nagkita sina Ralph at Diego Pallini Gervase, ang employer ni Marilou sa PCG Milan kung saan personal na sinabi nito kay Ralph ang pagsagot sa gastusin ng repatriation ng salma at ayon sa mga ulat, pati umano funeral expenses ni Marilou hanggang sa Marikina, kung saan naninirahan ang pamilya ni Marilou.

“Sa naging pag-uusap namin ni employer, hindi po binanggit na sasagutin ang burial ng mother ko“, ayon kay Ralph bilang pagtatama sa mga kumakalat na balita online.

Bukod dito, ayon pa rin sa mga ulat, ay inako umano ng employer ang pagpapa-aral sa dalawa pang nakababatang kapatid ni Ralph: sina Rusell 17 anyos at Rojan 19 anyos. Bagay na hindi nabanggit sa nasabing usapan.

Ayon pa kay Signor Gervase, itinuring nila umano si Marilou bilang miyembro na ng kanilang pamilya sa higit sampung taon nitong paglilingkod sa kanila.

Samantala, nagbigay din ng paglilinaw aT pasasalamat si Ralph ukol sa 10k na donasyon at fund raising na pinangunahan ni Don Gino Rigoldi, ang chaplain ng Beccaria at founder ng Comunità Nuova.

Salamat po sa mga nagbigay tulong sa aking ina. Ramdam po namin ang inyong pakikiramay. Tungkol po sa 10K Euro, ito po ay aking lamang napagalaman sa isang news article din, nagpapasalamat ako kay Don Gino Rigoldi sa pangunguna sa fund raising para sa aking pamilya“, dagdag pa ni Ralph.

Sa kasalukuyan, tanging hiling lamang ni Ralph ay mapabilis ang pag-uwi sa Pilipinas ng bangkay na kanyang ina. “Wala pa po kasing clearance”, dagdag ni Ralph.

Gayunpaman, kasabay ng pagluluksa ng pamilya ay lubos ang pasasalamat ng mga naulila dahil sa tulong na patuloy na natatanggap mula sa filipino at italian community.

Kaugnay nito bilang paggunita ng mga kaibigan at buong Filipino community kay Marilou, ay sama-sama sa panalangin sa pamamagitan ng banal na misa bukas, August 25, 4:30 pm sa Basilica di Santo Stefano Maggiore. (last edit: Aug 25 8:52 am)

Chet Valencia de Castro 

photo courtesy Juanita Corpuz

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anak ni Marilou Reyes, darating sa Italya bukas

Naturalized Italian, maaaring gawing regular ang pananatili sa Italya ng kapatid na turista?