in

Repatriation ng 82 Pinoy mula Italya, nasa biyahe na pauwi ng Pilipinas

Kasama ang 2 buntis, 3 bata, istudyante at ilang matanda ang ngayon ay nakasakay sa Philippine Airline Airbus A350-941 XWB pabalik ng Maynila. Kabilang sila sa 82 Pilipino na humiling ng repatriation sa gitna ng outbreak. Tatlongput-isa naman ang hindi nakasama sa original na 113 listahan na nakaabot sa Embahada ng Pilipinas sa Roma at Konsolado sa Milan.

Naging abala ang tanggapan ng Konsolado sa Milan kaninang umaga. Ang Sicura Italia ay nangangasiwa sa pagtse-tsek ng temperatura at may Italian Doctor na tumitingin sa kalagayan ng mga papauwing Pilipino. Binigyan ang bawat isa ng medical certificate, katunayan na sila ay ligtas sa nakahahawang covid19virus at bilang rekisitos na rin sa pagbiyahe.

Papasok sa tanggapan, ay inaabutan na sila agad ng mask at gwantes. Sa labas naman ay nag-aasikaso ang mga kawani at opisyal ng PCG Milan kasama ang Konsul Heneral na si Bernadette Theresa C. Fernandez. Katuwang din sa nasabing paghahanda ang POLO-OWWA Milan.

Nagpaabot naman ng mensahe ang mga Ofw na kasalukuyang nasa biyahe ng pasasalamat sa lahat ng mga lider at indibidwal na tumulong. Ang iba naman ay nag-paabot ng saya sa kanilang naging tanghalian bago tumungo sa Malpensa Airport kaninang 2:45 ng tanghali sakay ng Bus. Sinigurado naman ang Social Distancing, naghanda ng 6 na Bus at bawat isa ay maari lamang mag-lulan ng 20.  

Matatandaan na inihapag ng OFW Watch Italy at Task Force Covid 19 ang rekomendasyon sa Department of Foreign Affairs ng may mahigit 113 ofw ang humiling sa Alyansa na tulungan silang maipaabot ang kahilingan at makauwi sa Pilipinas. 

Sinabi ng Tagapagsalita Alyansa na ‘ang kahilingan ng ating mga kababayan ay lehitimo. At dahil dito, tama lamang na ang ating Gobyerno ay humakbang para tugunan ito. Ang pag-aalala sa gitna ng krisis pangkalusugan at epektong pang-ekonomiya ang pangunahin nagtutulak sa kanila para umuwi sa Pilipinas’. aniya ni ED Turingan. (Ibarra Banaag)


Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kababaihan ng Biella, nagsagawa ng pamimigay ng tulong-groseriya

Ako Ay Pilipino

Domestic Violence, naging laganap din sa panahon ng Covid19 crisis