in

Rhome, Rome is home!

Romulo Salvador at Analiza Bueno-Magsino, ang dalawang Pinoy sa 34 na napiling migrante sa Rhome exhibit.

Roma, Pebrero 17, 2014 – Tatlumpu’t-apat na imigrante, labindalawang photographers, 60 larawan – Iisang lungsod.

Ito ang itinampok ng Rhome – Sguardi e memorie migranti, isang exhibit ng Roma Capitale, Assessorato alla Cultura, Creatività e Promozione Artistica at Sovrintendenza Capitolina.

Tatlumpu’t apat na migrante, kung saan 2 ay Pilipino, sina Romulo Salvador at Analiza Bueno ang napiling magsalaysay ng kanilang kwento ukol sa eternal city. Ang 34 ay nagbuhat sa 14 na pinakamalaking komunidad at kumakatawan sa 27 nationalities.

Ano ang lugar sa Roma ang hindi mo kailan man makakalimutan kahit pa sakaling lisanin mo ang Italya?” Ito ang katanungang sinagot ng 34 sa pamamagitan ng 60 larawan. Bawat click ay naglalarawan ng pagiging bahagi ng lungsod sa kanilang buhay at ang kanilang pagiging bahagi rin ng lungsod!

Inilunsad noong nakaraang Pebrero 11 at dinaluhan ni Ignazio Marino, ang kasalukuyang Mayor ng Rome at Cecilè Kyenge, ang Minister of Integration. Sa pangunguna ni Claudia Pecoraro, ang proyekto ay naisakatuparan, salamat rin sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang embahada na dumalo sa paglulunsad ng exhibit. Si Consul Jarry Osias, ng Embahada ng Pilipinas ay dumalo rin sa nasabing okasyon.

Matatagpuan sa Museo di Roma, Palazzo Braschi simula Pebrero 12 hanggang Marso 30, layunin ng proyekto ang iwasan at labanan ang racial discrimination sa siyudad at sa katunayan ay kinilala ng UNAR – National office against racial discrimination.

Para kay Romulo Salvador, sa loob ng 30 taong paninirahan sa Roma ay Campidoglio ang napiling lugar dahil na rin sa pagiging Consigliere Aggiunto ng siyudad ng 7 taon. “Nakakatuwang isipin na buhat sa pagiging clandestino ay nakarating ako sa Konseho bilang Kinatawan ng mga migrante”.  

Via dei Pastini naman ang napili ni Analiza Bueno. “Dito ako nagsimula-  ayon kay Analiza – ‘porta d’accoglienza’ ito para sa akin, dahil dito nakatira ang aking unang italian employer at sya mismo ang humikayat sa akin upang simulan ang panibagong hamon sa  aking buhay, ang maging cultural mediator. Dito ako madalas magsimba at dito ko rin nakilala ang aking asawa”.

“Kahit pa magbakasyon kami, palagi pa rin naming naiisip ang pagbalik sa Roma” – dagdag pa ni Romulo at Analiza. Isang patunay na Rome is Home para sa kanila. (PG)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Enrico Letta naghain ng irrevocable resignation

Aplikasyon sa social card ng mga migrante, di tinatanggap ng Poste Italiane!