Mula Nobyembre, isang webseries mula sa dalawang binatang Pilipino ang magbabahagi at magpapatikim ng kanilang kaalaman sa pagluluto, partikular ang street food.
Roma, Nobyembre 3, 2015 – MARK Nallos, isang chef sa mga kilalang restaurant at lalong higit sa mga pagdiriwang, ay ang unang Asian, partikular ang unang Pilipino na tumanggap ng prestihiyosong titolo, ang ‘Gambero Rosso’ sa edad na 21 anyos sa isang restaurant sa sentro ng Roma. Kasalukuyang bahagi ng isang online cooking show, ang melarossa.it. At kasama si MARK Manaloto, isang aktor upang i-showcase ang Pinoy talent, ay makakapiling tuwing Sabado sa isang bagong format online: Rice N Grain.
Bakit ang street food sa web? Ano ang nagtulak sa inyo para sa isang webseries na ito?
“Matapos naming pag-aralan ang kultura ng Pilipinas ay ito ang aming napili. Nalaman namin na ang street food ay na-uugat sa ating kultura, isang simpleng pagkain at mabilis ihanda at nais namin itong dagdagan ng aming kaalamang natutunan. Ito ang aming nais ibahagi at ipakilala sa mga ipinanganak na Pilipino sa Italya at sa ibang nasyunalidad na hindi kilala ang ating kultura, sa isang masaya at hindi gasinong seryosong paraan ng pagluluto na makakahiyat na matutunan ang aming mga recipe sa pamamagitan lamang ng panonod ng aming mga videos”.
Si Nallos ay isa ring blogger. Siya ay nagkaroon ng isang blog ‘Spiga e Riso’, at ang ipagpatuloy ito ng may bagong ideya ay tiyak na magugustugìhan ng mga manonood. Dito nagsimula ang webseries. “Bakit hindi, ang Pagkain ay ang internasynal na wika“, dagdag pa ni Nallos.
Ano ang inyong mga inaasahan?
“Una sa lahat, inaasahan namin na kami ay magkakaroon ng mga followers na matututunan ang aming mga recipes at higit nilang makilala ang ating kultura. Inaasahan din namin na magugustuhan nila ang aming mga videos na magiging dahilan ng kanilang pagsubaybay tuwing Sabado.”
Ano naman ang aasahan sa webseries ng inyong mga future followers?
“Iiwasan namin ang maging monotonous at boring ang aming mga videos, tulad ng ilang traditional cooking show. Pipilitin naming ibahagi ang aming mga recipes sa pamamagitan ng paghahayag ng aming personal techniques na mag-uugnay sa amin at sa aming mga followers kasabay ang nito ang kanilang page-enjoy at pananabik sa mga susunod pang mga videos. Ang hinihiling lang namin ay bigyan kami ng pagkakataong makapasok sa kanilang mga tahanan ng ilang minuto tuwing Sabado upang kanilang matunghanan ang aming pagnanais na maibahagi ang aming talento, kaalaman at ang aming mga puso sa aming pinaniniwalaan.
Magkakaroon din kami ng mga special guests na naging tanyag sa web tulad ni Isabela, kilala bilang ‘Himeko’, na sa pamamagitan ng kanyang paghanga sa bansang Japan ay mayroons isang bolg na kilalang-kilala; si Christian Selaci, isang youtuber at si Thajack, isang kilalang rapper sa Pilipino sa Roma“.
“Para sa akin, sa kasalukuyang krisis na sanhi ng mga problema at kalungkutan, hayaan ninyong aming ipalimot ang inyong mga pasanin sa buhay ng ilang minuto at makipagtawanan sa amin kasabay ng pagluluto“, dagdag pa ni Nallos.
Bukod dito, pagtatapos pa ni Mark, “naniniwala kami na marami pa ang aming dapat matutunan sa pamamagitan ng komento ng aming mga followers na kanilang ipapadala sa amin sa pamamagitan ng social network, FB, Twitter etc“
Ang webseries ay magsisimula sa Nobyembre 7 sa Youtube. Ang buong staff: Bhoss, Marissa, Rodney at dalawang Mark, ay nag-aanyaya sa lahat tuwing Sabado sa Rice N Grain.
PGA