in

Rides for a Cause para sa Taal, mula Yonip Scoot Roma

Maging ang mga scooter lover ay nagtipon-tipon din para sa pagtulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal. Kasabay ng kanilang hilig sa scooter ay ang init din ang pagnanais na makatulong sa kapwa.

Ang Rides for a Cause ang inorganisa ng Yonip Scoot Roma upang makalikom ng tulong. 

Ang Yonip Scoot Roma ay isang grupo ng mga Pilipinong mayroong scooter sa Roma. Ang grupo ay aktibo sa social media at kasalukuyang mayroong 250 members. 

Pag may event po or tulad ng Ride for Taal, kami po na may scooter na tiga Roma, sa pamamagitan ng page sa social media or groupchat, kami po ay nagtatawag ng mga kasamahan naming may scoot para “magride for a cause”, kwento ni Jonathan Pagaoa, isang aktibong miyembro ng Filipino Electric Scooter Owner.

Sa katunayan, noong nakaraang Oktubre 2019 ay ginanap ang unang Ride for a Cause ng grupo para matugunan ang mga pangangailangang medikal ni Baby Amira, na noon ay nasa ospital. Si baby Amira ay pamangkin ng isa sa mga miyembro na lumapit at humingi ng tulong at sina Reden at Rhea Gangoso Gangoso na magulang ni Amira ang tumanggap ng tulong. 

Samantala, bahagi rin ng programa ng grupo ang mag-organisa ng anti-illegal drugs campaign sa pamamagitan pa rin ng isa pa rin ride, “Ride for Anti-drugs”. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino Women’s Association Biella, nagdaos ng Ikalimang Anibersaryo

Sinulog festival, muling ginunita sa Venice