in

Rizal day at OFW month, ipinagdiwang sa Florence

Florence, Enero 7, 2015 – Ginunita sa Florence, Italy nitong ika-28 ng Disyembre ang ika-118 taong anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal at ang OFW Month.

Isang sama-samang pagtitipon bilang pagpupugay at pagkilala kay Dr. Jose Rizal bilang pambansang bayani kasabay na pagdiriwang ng Overseas Filipino Workers Month para sa mga OFWs bilang mga bagong bayani.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Philippine Honorary Consulate sa pamamagitan ni Hon. Consul General Dr. Fabio Fanfani bilang tagapayo ng Knights of Rizal Firenze Chapter; Carlos Simbillo, Area Commander ng Knights of Rizal Italy Area;  Simona Amerighi, PHCG Secretary; Dennis Arcilla Reyes, Order of the Knights of Rizal Firenze Chapter Commander; Divina Capalad, CFCT Confederation of Filipino Community President at kasama ang pangunahing bisita mula sa Comune di Firenze, Assesore Sara Funaro.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga inimbitahang panauhin at Filipino leader na nagmula sa iba’t-ibang panig sa Toscana region. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Milan commemorates the Martyrdom of Dr. Jose Rizal

Anibersaryo ng Kamatayan ni Rizal, ginunita sa Roma