in

ROMULO SALVADOR, sa kanyang year end report

Sa isang interview ng Stranieri in Italia kay Hon. Romulo Salvador, ang konsehal na Pililipino para sa Asya sa Comune di Roma (Consigliere Aggiunto), ay kanyang ipinaliwanag at sinalaysay bilang isang ‘year ender report’ ang kanyang mga naging mga proyekto at mga simulain sa loob ng konseho gayun din  sa mga maiinit na issue sa loob ng ating community.

Bilang Konsehal ng Asya, maaari nyo po bang ihalad ang mga naging projects nyo ngayong taong ito?
Sa taong 2010 hanggang Hunyo, ako ay namumuno bilang presidente ng grupo (Gruppo Consigliare Aggiunto) at halos nadoble ang aking trabaho sa comune dahil bukod sa commission hearings at city council ay napadagdag pa ang party head meetings kung saan pinag uusapan ang parteng politikal ng mga bawat hakbang ng pamunuang lokal. Isang  malaking proyekto ang aking aktibong hinarap; ang Phil. Independence day preparation at ang proyektong Roma Multiculturale na ginanap noong nob.4 hangang dec. 12. Sa ikalawang taon ng promosyon ng multicultural concept ay napagkaisahan namin na i focus ang halos 30 inisyatiba kung saan naging pangunahing karakter ng proyekto ang mga kabataan.
Sa parte ng Asya ay naglunsad kami ng mga sumusunod na gawain:
– film presentation DUKOT
– song writing competition
– convention on social sensitivity among sec. generation
– christmas concert- Karilagan singers
Bukod sa 2 malaking proyekto ay sumuporta  rin ako sa maraming aktibidad ng ating community at maging ng mga ibang community ng Asya.

Ano ang naging sagot ng Filipino Community sa mga proyektong ito? Naging mainit ba ang kanilang partisipasyon?
Sa pagdiriwang ng last Independence day ay umabot sa higit sa 5,000 ang lumahok sa kasiyahan. Masasabing ito ay isang joint community effort at nakatulong din sa pagpapakita ng ating kultura sa mga Italyano. Ang lahat ng mga aktibidad na aking sinimulan o tinulungan ay may positibong reaksyon at partisipasyon ng ating mga kababayan. Maging konbensyon o seminar o mga pagtitipong pang kultura ang ating isinagawa ay makikitang mainit din ang pagtanggap sa atin ng mga italyanong lumahok sa mga ito.

Alam natin na naging napakaliit ng inyong ‘budget’ sa Comune di Roma, na hinahati hati sa iba’t ibang proyekto. Paano nyo hinarap ang mga proyektong para sa Asya?
Alam nating lahat na may kaunting indikasyon sa pagtitipid ang huling bilansyo na naaprubahan ng halos ay anim na buwang huli sa takdang deadline. Tayo ay may kasabihang kapag maliit ang kumot ay matutong mamaluktot. Inapply ko ang kasabihan at nakaraos ang taon na hindi naman tayo nagpahuli sa kahalagahan, kagandahan at kwualidad ng mga gawaing aming inilahad at isinakatuparan.

Anu ano po ang mga proyekto nyo sa pagpasok ng 2011 para sa mga Pilipino?
Sa huling taon ng aming panunungkulan ay susubukan nating makuha ang higit pang partesipasyon ng ibang mga komunidad ng continente sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa mga ambasyada. Imumungkahi din naming apat na sa loob ng huling taong panunungkulan ay mag bigay ang Roma Capitale ng titolong Honorary citizen sa bawat continente.
Sa ating mga gawain pang komunidad ay tuloy pa rin ang aking pagtulong at suporta sa mga gawaing hawig sa aming mga patakaran tungo sa promusyon ng integrasyon ng mga immigratong naninirahan dito sa siyudad.

Nagkaroon ba ng mga pagbabago sa inyong sitwasyon bilang mga konsehal na estranghero sa Comune di Roma? sa mga Munisipyo?
Isang malaking pagbabago at trabaho na din para sa aming apat ang decreto legge ROMA CAPITALE kung saan mismo ang ating Mayor ang nag utos sa amin na makialam sa pag babago ng pamunuan magmula sa strukutra hanggang sa pasususog sa bagon by laws at normatiba ng  baong pamunuan.

Mainit na isyu pa rin ang Circular 29 o pagtatanggal ng middle name sa mga italian documents ng mga Pilipino, ano po ang inyong masasabi dito?
Ang circolare ministeriale no. 29 kahit ito ay isang batas na buhat sa minitero na may kompetensya sa imigrasyon, ay isang BATAS din ito na dapat sundin. Maring isipin na may maling simula dahil hindi napaalam sa comunity subalit ito ay may higit na importanteng  layunin na mapag isa ang sistema na naging magulo buhat pa noon unang paggamit ng bagong pasaporte batay sa PASSPORT BILL ng 1996. Ang kaguluhan ay naging talamak noong 2004 dahil sa kawalan ng koordinasyon ng mga may katungkulang dala ng gobyerno.  Sa pamamagitan ng cirkular 29 ay magkakaroon na ang gobyerno ng Italya ng pamamaraan ng pagkilala sa mga Pilipinong naninirahan dito na kaugnay at bumabatay din sa sistema ng mga bansa ng EU at tugma rin sa napapanahogn technological o computerized passport identification system na umiiral na sa buong mundo.

Ano po ang inyong maiiwang mensahe sa ating mga kababayan na hanggang ngayon ay hindi mataggap ang Circular 29?
Ako mandin po noong unang malaman ko ang sirkular 29 ay nag apoy sa galit dahil nagawa ko nang idag dag ang middle name ko at ng aking pamilya ngayon ay tatanggalin naman ito ayon sa bagong batas.  Subalit ng makita ko ang kahalagahan nito sa ating matagal na pamumuhay dito sa Italya  ay nasabi kong kailangang makipag tulungan tayo upang maisagawa ang isang sistema na magtutuwid ng isang bagay na maling umiiral sa ating mga dokumento dito. Hinihiling ko sa ating mga kababayan na huwag maalarma ng sobra, sabihin sa akin at sa mga filcom leaders ang mga karanasang may kinalaman sa aplikasyon ng batas at makilahok sa mga meeting for updates hinggil dito. Kami pong mga cosiglieri aggiunti at mga kababayan natin na may kinalaman sa pamunuang lokal ay walang tigil ang pagtutok at pakikialam sa prosesong ito at gagawa po kami ng isang malawakang general assembly tungkol sa nasabing sirkular 29 sa unang mga araw ng Enero 2011.

Ngayong pasko, ano po ang inyong aginaldo sa Pinoy Community?
Ang tanging maiaalay ko ngayon pasko sa ating mga kababayan at maging sa mga dayuhang naninirahan dito sa Roma, ay ang isang walang sawang paglilingkod, pakikilahok at kontrolo narin sa mga gawain ng konseho, sa mga indikasyon politikal ng hunta lalo na at may kinalaman sa imigrasyon at integrasyon, at bukod sa lahat ang aking presensya sa komunidad, kapistahan man o mga pangyayaring hindi inaasahan subalit nakapagbibigkis sa ating pagkakaisa.bumabati narin ako sa lahat ng sumusubaybay sa website na ito ng isang maligayang pasko at masaganang bagong taon sa lahat!
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘D’ ni Pacquiao, sa Biyernes na!!!

PARATANG SA MGA KONSEHAL, MABILIS BINIGYAN KASAGUTAN!