in

Romy, muling nagbalik sa Pilipinas sa tulong ng “Back to the Future” project

Sa wakas ay maisasakatuparan na rin ni Romeo Sandoval ang kanyang pangarap. Bukod sa makapiling muli ang pinakamamahal na Ina ay ang pagkakaroon ng sariling hair salon sa Pilipinas. 

 

Roma, Abril 3, 2017 – Si Romeo Sandoval, 54 anyos, makalipas ay halos 18 taong paninirahan sa Italya ay muling nagbabalik sa kinasasabikang Mabini Batangas. Salamat sa proyektong “Back to the Future”, ng programang Assisted Voluntray Return and Reintegration ng Gruppo Umana Solidarietà o GUS, sa pakikipagtulungan ng Enfid Italy at CF4RM sa Pilipinas.  

Taong 2000 ay dumating sa Italya si Romy, lakip ang pangarap ng isang mas magandang buhay sa tulong ng kanyang mga kapatid na unang nag-abroad. Economics graduate si Romy at sa Roma ay pagiging hair dresser at make-up artist ang naging hanapbuhay.

Sa paglipas ng halos labinwalong mahabang mga taon, dumating ang puntong nais ng bumalik ni Romy sa Pilipinas for good. Isang hindi madaling desisyon para sa kanya.   

Isang taon din akong nag-plano ng pag-uwi for good sa Pilipinas. At ngayong pauwi na ako, mixed emotions ang nararamdaman ko: una puno ng excitement dahil talagang ang makapiling muli ang aking Ina ang unang dahilan ng aking desisyon ngunit ngayon na nakatakda na ang aking pag-uwi ay parang gusto kong bagalan naman ang paglipas ng mga araw at oras dahil sa maiiwan ko na ang mga taong malalapit at naging bahagi na ng aking buhay”, ani Romy sa panayam ng akoaypilipino.eu. 

Hanggang sa pamamagitan ng Enfid Italy ay nalaman ko ang maibibigay na benepisyo ng Back to the Future project”, patuloy ni Romy. 

Bukod sa pagsagot sa airfare at 400 euros na pocket money ay layunin ng Back to the Future project ang magbigay ng tulong pinansyal, ang 2000 euros, para sa pagsasakatuparan ng kanyang Individual Reintegration Project o Piano Individuale di Reintegrazione (PIR) sa sariling bansa. Para kaya Romy, ito ay ang pangarap na pagtatayo ng sariling hair salon. 

Bukod sa Enfid Italy, partner din ng GUS ang Centro Filipino for Returning Migrants (CF4RM) sa pangunguna ni Sister Paulita Marina Astillero. Layunin naman ng CF4RM ang makatulong sa psycho-social aspects ng mga Pilipinong nasa proseso ng reintegration sa Pilipinas matapos ang matagal na panahong pagkakalayo sa pamilya, tulad ni Romy. Sa gabay ng CF4RM, si Romy ay mayroong 6 na buwan upang simulan ang hair salon project. 

Ang kolaborasyon sa pagitan ng institusyon at mga asosasyon dito sa Italya at maging sa Pilipinas ay may malaking bahagi sa buhay ng mga overseas Filipinos na tulad ni Romy, ay nagabayan sa maayos na paglabas ng bansang Italya bitbit ang isang bagong pangarap sa bagong pagsisimula sa sariling bansa, kapiling ang pinakamamahal na Ina na nagdiwang ng ika-80 taong kaarawan kamakailan. 

Hanggang sa muling pagkikita! Arrivederci Roma”, pagtatapos ni Romy Sandval, ang unang-unang Pilipino na umakap sa proyektong ‘Back to the Future’.

 

PGA

Ang Press Release

Back to the Future, ang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga Pinoy dumayo sa Roma para sa ika-23 edisyon ng Maratona di Roma

Ako Ay Pilipino

Back to the Future, ang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration