Sa unang limang minuto ay agad na lumamang ng labing isang puntos ang white team ( Rosso Puro) laban sa pula, ngunit sa kalahatian ng first half, humabol ang Nemesis at agad-agad na naungusan ang Rosso Puro.
Hindi inaasahan ng Rosso Puro Team ang kanilang pagkapanalo laban sa Nemesis. Sa unang tingin pa lamang ay llyamado na sa tindig ang mga team members ng Nemesis kumapara sa Rosso Puro.
Ngunit may kasabihang ang bola ay bilog. Kaya bagamat tagilid ang koponan ni Noel Endaya, ang playing coach ng Rosso Puro, naging positibo siya na mapapataob nila ang Nemesis kung maipatutupad niya ang stratehiya’ng inihanda laban sa red team (Nemesis).
Naiuwi ng white team ang titulo ng kampeonato matapos tambakan ang red team ng 17 points sa second half ng laban.Nagtala
ang winning team ng 87 points against 70 ng red team.
Sa unang limang minuto ay agad na lumamang ng labing isang puntos ang white team ( Rosso Puro) laban sa pula, ngunit sa kalahatian ng first half, humabol ang Nemesis at agad-agad na naungusan ang Rosso Puro.
Tumahimik ang cheerers ng white team nang malamangan na ito ng red team samantalang lalo namang lumakas ang sigawan ng mga taga suporta ng red team na halatang mas marami kumpara sa mga supporters ng white team.
Hindi nawalan ng pag-asa ang puti, nanatiling kalmado ang coach na si Endaya at naging maganda ang team work para maipatupad ang kanilang depensa at offense. Kaya nang pumasok ang second half, umarangkada ang mga puti na bawiin ang kanilang naging lamang.
Hindi lamang pagbawi ang ginawa ng Rosso Puro, tuluyan na nitong inungusan ang Nemesis hanggang sa mapag-iwanan. Sa bawat shoot na ginagawa ng puti, di magkamayaw ang mga taga suporta sa paghiyaw at paglikha ng ingay tulad ng paghahampas sa mga upuan ng mga empty plastic bottles ng tubig habang natahimik naman ang mga supporters ng red team. Samantala, nasungkit naman ng yellow team o ng St. John Dragons ang third place.
Naiuwi ni Joseph Reyes ng Rosso Puro team ang Most Valuable Player award (MVP) para sa basketball. Napunta naman kay Joy Torres angf MVP for volleyball.
Dahil sa tagumpay ng unang summer league ng SJ Malvar Association, positibo si Noel Endaya, Presidente ng grupo ang pagpapatuloy nito sa susunod na taon. Nagpasalamat din si Endaya sa mga sumuporta at nagbigay tulong pinansyal o anupaman sa grupo. Positibo umano sila ngayon na mapasimulan na ang panibagong chapel na planong itayo sa isang sitio sa San Juan.
Sinabi naman ni Totoy Leynes, adviser ng grupo na malaki ang naitulong ng ginawang paliga sa mga kabataan dahil naiiwas umano ang mga ito sa pagkakaroon ng masamang bisyo.
(Zita B. Baron)