in

Safe Love Filcom, edukasyon at prebensyon ukol sa panganib ng HIV

Lovers in Milan sina Justin at Desi ay isang couple ng mga kabataang Pilipino ng ikalawang henerasyon. Sila ang mga bida sa isang video at malawakang awareness campaign at information dissemination na nakalaan sa mga komunidad sa Milano ukol sa tema ng HIV.

Safe Love Filcom” ito ang tawag sa campaign na inorganisa ng Ala Milano Onlus, sa tulong ng biofarmaceutica Gilead Sciences, na sa pamamagitan ng video at ibang inisyatiba ay inilulunsad ang pangunahing layunin ng pagkakalat ng tamang impormasyon at tamang pag-uugali sa sex at maproteksyunan laban sa Hiv at malabanan ang pagkalat ng virus sa mga matatanda at lalong higit sa mga kabataang Pilipino na naninirahan sa Milan.

Bakit ang Filipino community? Dahil ito ang nangungunang komunidad sa lungsod at mayroong opisyal na bilang na humigit kumulang sa 40,000 at kumakatawan sa 16% ng kabuuang bilang ng mga dayuhan – “ ngunit bilang komunidad ay hindi malalim ang kaalaman ukol sa panganib na hatid ng hiv”  – ayon kay Massimo Modesti, ang project coordinator.

Dagdag pa ni Modesti, 36 na katao lamang ang sumailalim sa hiv test noong 2016 sa kanilang sentro. Napaka kaunti kumpara sa bilang ng mga Pilipino sa lungsod.

Naniniwala ako na ang komunidad pati mga Italians at buong mundo sa kasalukuyan ay nakalantad sa panganib na hatid ng virus at kailangang labanan ang pagkalat nito”.

Sa Pilipinas, ang virus ay kasalukuyan ang pagkalat sa huling 7 taon. Isang emerhensya ang pagkalat nito at ayon sa mga eksperto ay mayroong 36 na bagong kaso at mga kabataang may edad mula 15 hanggang 24 anyos ang mga bagong biktima.  Ang prebensyon sa bansa ay walang epekto sa mga overseas Filipinos, partikular sa mga Pilipino sa Italya at mula sa ibang bansa sa Asya na patuloy ang pagbibiyahe para sa bakasyon, trabaho o para sa pamilya.

Dahil dito ay mahalagang pangalagaan ang mga kabataang Pilipino sa Milano mula sa virus, ikalat ang promosyon ng diagnosis at paggamot sa mga nahawa na. Ito ang layunin ng kampanyang Safe Love” – kung saan makikita ang mga bida sa video na sina Justin at Desi. Ito ang layunin ng Ala Milano Onlus na sa loob ng 20 taon ay nagbibigay ng edukasyon at prebensyon ukol sa hiv partikular sa mga kabataan  tulad nina Justin at Desi.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Pinoy Runners Milan” lumahok sa taunang Milan Marathon 2018

FINASS MEDICAL MISSION AT ADBOKASIYA SA REGGIO EMILIA