Bologna, Hulyo 28, 2013 – Katatapos lang ng taunang Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa wikang Tagalog na may tema “Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!”, na naganap mula sa 19 Hulyo hanggang Linggo 21 sa Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Via Pastore 1, Imola (Bo).
Maraming Pilipino na galing sa iba’t ibang lungsod ng Italya ang dumalo; ang lahat ay nagalak sa programa, sa nakaaantig-pusong karanasan at sa mga drama; tinatayang ang bilang ng mga dumalo ay umabot sa 927 katao, nakinig sa pahayag na may temang "ANO BA ANG KATOTOHANAN?”.
Nasaling ang puso ng lahat sa bautismo ng mga bagong Saksi: 4 na mga lalaki at 8 mga babae ang nagpakita ng kanilang pananampalataya at pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Kasama sa kanila, binautismuhan si Shandy, 8 at kalahating gulang. Nagsimula siyang nagpatotoo noong 6 years old sa School. Inialok niya ng mga salig Bibliyang mga tracts ang kanyang kaklase, at nagsimula siyang magdaos ng isang Bible Study sa isa sa kanila. Kapag ipinagbabawal ng mga teacher ang paggamit ng reliyosong mga publikasyon, itinuloy niya ang study sa paggamit ng mga kasulatan ng Salita ng Diyos na isinaisip ng bata.
Tinanggap ng mga dumalo sa Kombensiyon ang mga bagong publikasyon, halimbawa ang isang brochure na dinisenyo para sa mga bata na 3 years old pababa, ang isang bagong DVD na halaw sa talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak, at ang isang aklat na temang “tularan ang kanilang pananampalataya”. (Mateo Romeo – Ufficio Stampa e Relazioni Pubbliche)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]