Roma, Setyembre 5, 2012 – Ito ang tema ng gaganaping pagdiriwang ng Associazione Filippine di Modena, ang unang cultural event ng mga mamamayang Pilipino sa Modena. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Comune di Modena – Assessorato alle Politiche Sociali, Sanitarie e Abitative sa darating na Sabado, Sept 8 sa ganap na alas 4 ng hapon sa area spettacoli ng Parco Ferrari a Modena.
Sisimulan ang programa sa pamamagitan ng larong pinoy tulad ng sipa, tirahan ng lata, sack race, luksong tinik at patintero. Susundan ito ng Pinoy Hip Hop ng ikalawang henerasyon.
Samantala, sisimulan ang cultural night ng isang panalangin at ng National Anthem ng dalawang bansa, pagbati mula sa Assessore alle Politiche Sociali, Sanitarie e Abitative del Comune ng Modena, si Francesca Maletti at Presidente ng Munisipyo Alberto Cirelli .
Matutunghayan ang iba’t ibang grupo na magpapakita ng mga awiting tradisyunal ng Pilipinas tulad ng Paru-Parong Bukid ni Bella Mariposa at ang Ako ay Pilipino; mga sayaw tulad ng Salakot, Tinikling, Singkil, Sayaw sa bangko at Pandanggo sa ilaw.
Para po sa karagdagang impormasyon, inaanyayahang makipag bigay alam sa
numero 320 4167278 at sa Centro stranieri del Comune di Modena: 059/203.3414 – 3311 o sumulat lamang sa allotti@comune.modena.it