in

Sampung Pinoy, nireklamo dahil sa “jamming session” sa isang bahay

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Sa panahong ito, kung kailan ang gobyerno ay hirap sa lahat ng ginagawa upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus, may mga ilang mukhang hindi lubos na nakakaunawa ng bigat ng problemang pangkalusugan na hinaharap ng bansang Italya. 

Sampung pilipino ang nasorpresa ng mga awtoridad nang magbuzzer ang mga ito sa isang bahay sa Varese. Nakatanggap umano ang mga pulis ng ilang tawag na inirereklamo ang ingay na naririnig mula sa isang apartment sa via Monviso sa Lonate Pozzolo sa Varese. Huwebes, ika-12 ng marso 2020, bandang ala una makalipas ang hatinggabi nang puntahan ng mga carabinieri ang pinagmumulan ng ingay at musika. 

Inimbita umano ng mag-asawang nakatira sa nasabing apartamento ang walo pang mga kaibigan na mga residente ng ilang karatig na lugar upang magsamasama. Lima ang galing sa iba’t-ibang syudad sa Varese, dalawa mula sa parte ng Milano, at ang isa ay mula sa Bergamo na siyang may pinakamaraming kaso ng virus. Humaharap sa kasong paglabag sa dekretong inilabas ng gobyerno laban sa covid19. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, biktima ng pananaksak sa Reggio Emilia

Autocertificazione, paano ang nasa ‘lavoro nero’?