in

Santa cruzan festival 2010, matagumpay na naidaos

Siyudad ng Roma, blindata noong nakaraang Mayo 30, para sa parada ng mahigit na limampung mga Reyna ng Flores de Mayo.

Pumarada sa kalsada ng siyudad ng Roma ang mahigit na limampung mga reyna, parte ng pagdiriwang ng Santacruzan Festival 2010 nitong nakaraang Mayo 30 taong kasalukuyan.  Nagsimula ang parada sa mismong Basilicata di Sta. Pudenziana sa Via Urbana sa pangunguna ni Father Romy B. Velos, CS, Chaplain ng Mission for the Filipino Migrants – Diocese of Rome, kaagapay sina Sister Gloria Aragon, Ms. Yolie Abu, at iba pang mga religious and cultural associations sa Italya tulad ng Legion of Mary, El Shaddai, Guardians, at iba pa.


Ang nasabing okasyon ay itinapat din sa 19th anniversary ng Sentro Pilipino Chaiplancy sa Italya. Nakipagtulungan din ang ating bagong Ambasador sa Italya, H. E. Ambassador Romeo Manalo, at Ambasadora Mercedes Tuason, Philippine Ambassador to the Holy See sa nasabing festival.  Malaki ang naging kolaborasyon ng Sentro Pilipino Chaiplancy sa Questura di Roma para maisagawang maayos ang nasabing prusisyon sa siyudad ng Roma.  Ang tema ng festival ay “MARIA, INA AT GABAY NG MGA ALAGAD NI KRISTO.” 


Halos bawat Catholic Filipino Community ay may representative na reyna sa Santacruzan.  Kasama na dito ang San Isidro Labrador Filipino Community, Santa Croce Filipino Community, Our Lady of Lourdes, Sto. Nino, Sta. Raffaela, San Lino, Gesù, Divino Operaio, Pag-Ibig kay Jesus Filipino Community, Gesù e Maria Filipino Community, Pundok ni Pedro Calungsod, San Giorgio, San Filippo, La Salette, Terni’s San Francesco Filippino Community, The Apostles, Natività di Maria, San Silvestro, San Lorenzo Ruiz, Holy Spirit, Loved Flock, Sto.
Rosario-Risorgimento, Immaculate Concepcion, san Leone Magno-Prenestina, Sacred Heart-ACAP, an Bernardo di Chiaravalle at marami pang iba.

Nagsimula ang assembly ng mga sagalas and escorts sa Basicilica di Sta. Pudenziana ng mga 1:30 ng hapon.  Lumutang ang ganda ng mahigit na limampung mga Pilipina na naka-gown at suot ang kani-kanilang mga korona na nagmistulang mga tunay na reyna ng araw na iyon.  Bawat reyna ay may mga arkong punong-puno ng mga palamuti kasama ang kanilang mga escorts na halos lahat ay nakasuot nga barong tagalog.   Ang ilan sa mga reynang nakita sa nasabing okasyon ay sina Reyna Mora, Reyna Judith, Reyna Esther, Reyna Bandera, Reyna Esperanza, Reyna Caridad, Reyna Fe, Reyna Sentenciada, Reyna Justicia, Reyna Abogada, Reyna Sheba, at iba pa.


Umikot ang prusisyon sa mga importanteng kalsada ng Roma mula sa Via Urbana, Via Cavour patungo ng Basilica di Santa Maria Maggiore kung saan isang banal na misa ang isinagawa sa pangunguna ni His Eminence Cardinal Bernard Law. 
Sa nasabing Basilica na rin isinagawa ang crowning of the Blessed Mary at flower offering ng mga sagala sa mahal na birhen.  Isang “prayers of the faithful” ang isinagawa sa kalagitnaan ng misa kung saan ang mga dasal ay isinalin sa pitong iba’t-ibang languages at dialects:  English for the Pope ng Our Lady of Lourdes, Tagalog for civil government ng Santa Maria Goretti Filippino Community, Kapampangan for peace in the world ng The Apostles, Visayan for Sentro Pilipino ng Pundok ni Pedro Calungsod, Italian for the sick and needy ng san Filippo, Ilokano for OFWs ng Anak Ti Sta. Catalina Filipino Community, at Ilonggo for the family ng Sant’Anna Filippino Community.


Kitang-kita ang pag-kakaisa ng mga OFWs na nasa Italya kahit sa mga religious occasions katulad ng taunang Santacruzan ng Sentro Pilipino  Chaiplancy.  
Ang santacruzan Festival ay isa ring paraan upang ipamahagi natin sa Italya ang angking yaman ng ating kultura. (
Rogel Esguerra Cabigting – AAP)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno, malapit ng ipatupad ang italian language test

Ang pagbiyahe sa panahon ng summer