in

Santo Padre, pinangunahan ang misa ng mga Pinoy para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

Santo Padre, pinangunahan ang misa ng mga Pinoy para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

Bago muling sumailalim ang malaking bahagi ng Italya sa zona rossa o soft lockdown kasama ang Roma, ay hindi pinalampas ng mga Pilipino ang pakikiisa sa banal na misa para sa ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo ng Pilipinas, na ginanap sa St. Peter’s Basilica at pinangunahan ng Santo Padre at ni Cardinal Luis Tagle kahapon March 14.

Sa pangunguna ng Sentro Pilipino Chaplaincy ay muling ipinakita ng mga migranteng Pilipino, bukod sa kultura at tradisyon, ang matatag na pananampalatayang natanggap 500 taon na ang nakakalipas. Sa katunayan, sinimulan ang misa sa isang tradisyunal na sayaw bitbit ang Sto. Nino at ang krus. 

Ayon sa Santo Padre “Lumipas na ang 500 taong kung kailan nyo unang natanggap ang kaligayahang hatid ng Ebanghelyo. At ang kaligayang ito ay nakikita sa bawat Pilipino, sa inyong mga mata, mga kanta at inyong mga pagdarasal. At ang kaligayang hatid ng pananampalataya ay dinadala nyo din sa ibang bansa”. Binanggit ulit ng Santo Padre na ang mga kababaihang Pilipino sa Roma ay mg ‘smugglers of faith‘ dahil kahit sa trabaho ay nagtatanim ang mga ito ng pananampalataya. 

Sa pagtatapos ng Banal na Misa ay nagpasalamat si Cardinal Tagle sa pangalan ng buong komunidad. Ipinaabot muli niya ang pagmamahal ng mga Pilipino. Aniya isang malaking biyaya ang pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Sa katunayan, ang Pilipinas ang ikatlong pinakamaraming katoliko sa buong mundo. Sa pagtatapos ni Cardinal Tagle ay tinawag ang Santo Padre ng Lolo Kiko. 

Naghandog ang Filipino Community sa Santo Padre ng isang obra maestra na likha ni Filipino artist Ryan Carroen Aragon. Nag-alay din ang dalawang batang pilipino ng mga bulaklak kay Maria na binasbasan ng Papa.

Limitado lamang ang bilang ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng banal na misa sa loob ng basilica, ngunit libo-libong Pilipino ang sumubaybay sa Vatican Square sa pamamagitan ng apat na maxi screen. 

Pagkatapos ng misa, sa kabila ng mahigpit na security ay libu-libong mga Pilipino ang nakiisa sa pananalangin ng Angelus sa Vatican Square, dala ang iba’t ibang laki ng Philippine flag. Magkakasabay na iwinagayway ito sa mainit na pagbati ng Santo Padre sa komunidad sa pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanesimo ng Pilipinas. 

Sa isang panayam pagkatapos ng Angelus ng Papa ay sinabi ni Cardinal Tagle na “Masaya tayong lahat dahil pinaunlakan tayo ng Santo Padre dahil nais din niya na magpasalamat sa mga filipino migrants sa Roma”.

Pasasalamat naman ang mensahe ni Fr. Ricky Gente, ang chaplain ng Sentro Pilipino sa Roma. “Maraming maraming salamat sa ating mga kababayan na nag-tiyaga at ang-sakripisyo para makibahagi para sa pagdiriwang ng ating ika- 500 years. Sana ay manatiling buhay at lalago pa ang pananampalatayang kristiyanong katoliko at ang maging kasangkapan nito ay ang mga ating filipino migrants. God bless”.

Dumating din sa makasaysayang pagdiriwang sina H.E. Ambassador to the Holy See Grace Relucio Princesa at H.E. Ambassador to Italy Domingo Nolasco. 

Ang theme po ng ating 500 years ay Gifted to Give, so ang ating tinanggap na pananampalataya na nakikita sa ating tender loving care ay sana po ay ipalaganap natin hinidi lang dito sa Roma kundi sa buong mundo”, ayon kay Ambassador to the Holy See Grace Relucio Princesa

Kami po ay nakikiisa sa buong filipino community sa Rome sa pagdiriwang ng 500 years of Christianity sa Pilipinas”, ayon kay Ambassador to Italy Domingo Nolasco. 

Nanatiling blessed si Aireen dela Luna, kasama ang kanyang buong Community na San Leone Magno Boccea kahit hindi nakapasok ang kanyang grupo sa loob ng basilica.  

Maraming salamat at naidaos natin ang selebrasyon ng ating 500 years ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Maraming salamat sa mga Pilipino at lalong higit salamat sa Santo Padre”, ayon kay Eloi Arancina. 

Lubos din ang pasasalamat ni Rhod Santos sa pagkakataong ito dahil  naipakita nating mga Pilipino kung paano tayo ka-devoted sa ating pagiging kristiyano. 

Damang dama ko po ang presensya ng Panginoon na gumagabay sa ating lahat”, pagtatapos ni Lyn Magsino. 

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Siklista sa Roma, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo

anti-covid vaccine Ako ay Pilipino

Bakunang AstraZeneca, sinuspinde ng AIFA