Sa unang taong anibersaryo ng Doce Pares Italy FMAA, kasama ang Mother of Divine Grace Community, isang free self-defense training for women ang inilunsad ng asosasyon.
Roma, Abrìl 3, 2012 – Noong nakaraang Linggo, ika-1 ng Abril ay sinimulan ang Eskrima – Self-defense training para sa mga kababaihan sa Roma. Si Vilma Ramos, ang Representative and Instructress of Doce Pares Italy Filipino Martial Arts Association, sa pakikipagtulungan ng Mother of Divine Grace Community ay isinakatuparan ang kurso sa Via Bravetta 332 sa ganap na ikatlo ng tanghali.
“Bukod sa self-defense ito na mahalaga sa panahon ngayon, isang form of physical activity rin ito para sa mga kababaihan na karaniwang wala ng exercise at busy sa kanilang trabaho at pamilya”, komento ni Vilma sa layunin ng asosasyon sa akoaypilipino.eu.
Kasalukuyang mayroong 9 trainees ang kurso na nahahati sa dalawang grupo. Kasama ni Vilma ang kanyang assistant na si Francesco Amiresi, isang Italyano sa pagbibigay ng basic eskrima techniques.
“Doce Pares is an assemblage of various styles of Eskrima, also known as Arnis or Kali, an indigeneous Filipino Martial Art which utilizes weapons such as sticks (single and double), knife or sword and dagger, bangkaw (staff/spear), mano-mano (empty hands, kicking and punching, locks and immobilization, takedown and grappling). It is a complete system by itself”, ayon kay Vilma.
Kasalukuyang ipinagdiriwang ngayong araw na ito, April 3, ang unang taong anibersaryo ng Doce Pares Italy FMAA. Isang handog ng asosasyon ang sinimulang kurso para sa mga kababaihan bilang bahagi ng kanilang proyekto.
Si Master Danilo Huertas ang Europe Director ng Doce Pares. Bukod sa Italy ay matatagpuan ang Doce Pares Europe Group sa Norway, Sweden, Hungary, Greece at Belgium.