in

Selos, sanhi ng kaguluhan sa Parco Meda sa Roma

Isang malaking gulo ang naganap noong June 9, 2019 sa Parco Filippo Meda sa Monti Tiburtini. Gulo sa pagitan ng mga Filipino at Italiano.

Kasabay pagdating ng init ng panahon ay ang pagdagsa ng mga tao hindi lang sa dagat kundi sa mga Parke.

Ito ang naganap noong linggo ika-9 ng Hunyo.

Napuno ang sikat na sikat na Parco lalo sa mga Pinoy. Isang dahilan dito ay malayang nakakapag ihaw-ihaw ang mga tao, nakakapagsaya kasama ang pamilya at mga kaibigan, bata man o matanda. Isang lugar kung saan ang mga bata ay malayang nakakapaglaro.

Ngunit dito rin naganap ang isang kaguluhang nagpasindak sa mga bata.

Habang nasa gitna ng kasiyahan ang mga tao biglang ginulat ang lahat ng ingay ng basagan ng bote at takbuhan ng mga tao.

Isang 37 anyos na Italyano ang nasa malubhang kalagayan dahil na rin sa pinagtulungan na bugbugin ng pinaghihinalaang mga Pinoy. Sugatan ang biktima ng basag na bote.

Sa isang panayam, isang Pinoy ang nakakita sa biktima at sinabing naligo na sa sariling dugo. Gustuhin man daw nyang damputin at tulungan, sa takot na sya ang balikan ng mga taong gumawa sa Italiano masakit sa loob na tumalikod na lamang siya.

Nakailang beses na naulit ang gulo. Tatahimik pero paglipas ng ilang minuto takbuhan na ulit. Hanggang sa dumating ang mga pulis mula sa pinakamalapit na himpilan. Napalibutan ang buong Parco ng mga alagad ng batas. Natagpuang duguan ang biktima.

Ayon sa imbistigasyon selos umano ang pinagmulan ng nasabing kaguluhan. At di maaalis na karamihan dito ay mga nakainom na ng alak. Patunay na bote ng beer ang ginamit sa pananakit.

 

Yzmid

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Balik-tanaw sa unang Araw ng Kalayaan!

Ilang Pinoy, nagsalita ukol sa kaguluhan sa Parco Meda sa Roma