in

Seminar para sa mga Pilipino handog ng “Associazione Interculturale di Donne Nosotras”

altIsang makabuluhang seminar para mga kababaihan Pilipino sa Firenze ang handog ng Associazione Interculturale di Donne Nosotras na ginanap noong Mayo 08, 2011 sa Hotel Castri, Firenze, sa tulong ng Honorary Consulate at Filipino Nurses Association of Tuscany.  Ang Nosotras ay itinatag noong taong 1999 kasama ang Caritas.  Pangunahin layunin nito ang  makapagbigay serbisyo at tulong sa mga kababaihan sa panganagilangan pangkalusugan, kunsultasyon psychological, moral at health at mga karapatang pantao.  Ang proyektong ito ay pinamunuan ni Associazione President Sigra Leila Habi, Elena Baragli, Divina Capalad at Lina Calupe. Naging panauhin tagapagsalita sina Dra. Rocca Salvia ng Ginecologa ASL 10 Firenze , Dr. Alessandro Di Renzo at Dra. Francesca Matarazzo ng Sevizio Igiene Publica ASL 10 Firenze at Simona Amerighi ng Honorary Consulate.  Sina Sigra Beatrice Romana ang interpreter sa english at Ms. Marieta Garbo naman sa tagalog.  Napakaganda ng naging tema ng seminar na para sa pangkalusugan at mga pamamaraan tungkol sa maternal preventions, contracessione, effects and cause of repetitive abortions, tuberculosis preventions at mga tamang pamamaraan sa pagbubuntis.  Nagbigay  din ng impormasyon ng mga consultorio na pwedeng lapitan ng mga kababaihan na nangangailangan ng tulong at assistance.  Nagkaloob ang Nosotras at Konsolato ng Certificate of Participation sa lahat ng dumalo at nagpapasalamat sa naging magandang resulta ng seminar at nangakong patuloy na magbibigay tulong at assistance sa komunidad ng mga Pilipino.  Pinasalamatan din ang grupo ng Filipino Nurses Association, Golden Group, FCCF San Barnaba, FEA at iba pang mga Assosayon.  Ang Nosotras ay magiging bahagi sa May 29 Pilipino Fiesta at sa selebrasyon ng Phil. Independence Day sa June 19 sa Firenze. Isang masarap na salo salo ang handog naman ng mga Pilipino bilang pasasalamat pagkatapos ng naturang seminar.  Sa araw rin ito sa isang bahagi ng hotel nagkaroon ng pagtitipon at konsultasyon ang lahat ng leaders na bumubou ng Confederation para sa gagawin selebrasyon ng Phil. Independence Day at Pilipino Fiesta.  (ni ARGIE GABAY)  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BAKIT SUPORTADO NG MAYORYA ANG RH BILL?

LONE PINOY- OWNED BEAUTY PARLOR IN MILAN DRAWS A THRONG