in

Sen. Pia Cayetano, bumisita sa Roma

 
Roma, Marso 26, 2014 – Matapos ang kanyang pagtakbo sa Maratona di Roma nitong Marso 23 ay nagpaunlak si Philippine Senator Pia Cayetano ng isang unofficial visit sa Embahada ng Pilipinas sa Rome, Italy.
 
Sa pangunguna ni Ambassador Virgilio Reyes, kanyang may-bahay at mga consul, nakipagkita rin ang senadora sa ilang Pilipinong migrante at leaders ng ilang komunidad sa Roma.
 
“Gusto kong pag-aralan ang Italian system, yung kanilang artisans. ‘Yung craft nila eh parang over the hundred of years pina-pass on yan. And naniniwala ako ganun din ang mga Pilipino to a certain extent pero kailangan pa rin maprofessionalize sometimes…”, ani ng senadora na kanyang gustong gawin sa susunod na pagkakataon na bumisita siya ng Italya.
 
Isang advocate ang mambabatas ng pampublikong kalusugan kaya ganun na lamang ang kanyang hikayat sa mga dumalong Pilipino na pangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-jogging or paglakad lakad. Mula dito ay nabuksan ang diskusyon ukol sa Philhealth para sa mga OFW. Ipinahayag ng mambabatas na kanyang kagustuhan na maimplement muli ang Philhealth sa mga OFWs. 

 
Kabilang sa iba pang paksa na nabanggit ay ang Mandatory Remittance Bill na siya ring tinututukan ng maraming mambabatas. Pahayag ng senadora na kanyang 'ia-address sa Senate ang mga issues na kanyang tatanggapin at pinapakiusapan rin ang mga migranteng nasa pulong na ifollow-up sa kanya ang mga ito sa pamamagitan ng social media o email.
 
Nabigyan din ng pagkakataon ang iba pang Pilipino na magbahagi sa pulong. Bilang isang aktibong supporter ng sports sa Pilipinas, natuwa ang mambabatas na kabilang ang Pilipinas sa Italy's Presidential Football World Cup o Coppa del Presidente della Republica Italiana Mundialido 2014 na kinabibilangan ng 32 bansa. Maliban dito, nabuksan rin ang tungkol sa mga second-generation Filipino. Buong pagmamalaking ikinuwento na marami ring mga batang Pilipino na ipinanganak sa Italya ang nag-excel sa kani-kanilang larangan dito sa Italya. Nagtanong ang mambabatas tungkol sa bagong pag-aaral para sa proseso ng pag-acquire ng citizenship ng mga Pilipinong ipinanganak dito sa Italya. Nagkaroon siya ng interes nang malamang hindi 'jus soli' o 'jus sanguini' ang pagbabasehan kung hindi ay ang 'cultural ties' ng mga ito sa Italya.
 
Si Senator Pia Cayetano ay kasalukuyang Chairperson ng Committee on Health and Demography pati na rin ng Committee on Youth, Women and Family Relations. (Jacke De Vega)
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dekreto sa seasonal job, madaliin

Prestiti at Mutui – 11% mula sa mga migrante