in

Sen. Pia Cayetano dumalo sa ICOMOS

“Five star reconstruction is not development if it destroys our heritage and there are international standards that we want to recognize even in our own home” – Pia Cayetano

Roma, Nobyembre 25, 2014 – Iniakyat ni Senator Pia Cayetano ang mainit na tema ng Rizal Monument sa internasyonal na kinatawan nitong Nobyembre sa Florence.

Sa kanyang pagdalo sa 18th General Assembly ng International Council on Monuments and Sites – ICOMOS na ginanap sa Florence Italy nitong Nobyembre, kasama si Architect Augusto Villalon, ang president ng ICOMOS Philippines, ay iniakyat ni Sen. Pia ang kilalang ‘photo bombing’ sa 101 taong makasaysayang Rizal shrine sanhi ng pagtatayo ng Torre de Manila, ang commercial building na may taas na 49 palapag sa Rizal park, sa likod mismo ng makasaysayang monumento.

Ang ICOMOS, ay ang advisory board ng UNESCO (United Nations Organization for Education) na binubuo ng 9,500 heritage conservation experts mula sa 100 national communities sa buong mundo. Bahagi ng layunin ng nasabing grupo ang hanapin ang mga cultural at historical sites upang mapabilng sa World Heritage List. Ito rin ay tumutulong sa pagbibigay ng mga eksperto sa mga nanganganib na heritage sites.

Tatlo ang pangunahing layunin ng aking pagdalo sa ginanap na GA sa Florence: una ay ang itaas sa international body ang panganib na hinaharap ng Rizal monument at ang matanggap kanilang opinyon, suporta at tulong; ikalawa ay ang mapakinggan at matutunan ang mga best practices mayroon ang maraming bansa sa Europa lalo na sa bansang Italya ukol sa kanilang pangangalaga ng mga heritage sites; at ikatlo ang manawagan sa ating mga kababayan sa Italya at buong Europa upang pahalagahan at pangalagaan ang mga makasaysayang lugar simula sa ating mga probinsya at lugar na kinalakihan sa pamamagitan ng social media”,  ayon sa Senador sa isang panayam ng Ako ay Pilipino.

Bigay-diin pa ng Senador, ang pangangalaga sa mga heritage sites na ito tulad ng Rizal monument ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Hindi lamang bilang isang makasaysayang lugar na nagpapakilala ng pagiging dakila ng ating mahal na bayani na si Dr. Jose Rizal, bagkus ay ang kilalanin bilang yaman ng ating bansa sa pamamagitan ng turismo.

Nilinaw din ng Senador na ang pagdulog sa international fora kung saan kinilala ang Rizal monument bilang ‘in danger’ ng ICOMOS tulad ng Machu Picchu at Cammino di Santiago ay nagpapakilala lamang ng pagpapahalaga at pakikipag-laban ng mga Pilipino para sa ating monumento. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na hindi sapat ang normatiba o batas sa Pilipinas ukol sa heritage sites. Sa katunayan, ang "RA 10066 o National Heritage Act of 2009 kung saan kinikilala ang lahat ng mga cultural properties both tangible at intangible, ay kailangang protektahan”. At para naman sa Rizal monument, aniya “we have guidelines base sa parehong batas at nagsasaad na  ‘The vistas and the corridor must be maintained. Ang vistas at corridors noong ito ay itinayo ay langit lamang at nangangahulugang ito ay kailangang mapanatiling langit lamang. Hindi tayo anti-development but to protect and preserve our heritage is the very kind of development that will bring tourism in our country”.

“Kumakatok po ako sa maraming mga Ofws sa Italya at sa buong Europa kung saan epektibo ang mga best practices ng pangangalaga sa mga heritage sites na sa pamamagitan ng social network ay maibahagi ito sa ating mga mahal sa buhay at kababayan sa Pilipinas at ito ay simulan sa kani-kanilang lugar at probinsya”, panawagan pa ni Cayetano.

Five stars reconstruction is not development if it destroys our heritage and there are international standards that we want to recognize even in our own home”, pagtatapos ng Senador.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano na ang Pensione di Vecchiaia kung hindi sapat ang kontribusyon?

Best Fair Play Award, nakuha ng mga kabataang Pinoy sa Mondialito 2014