Milan, Marso 28, 2013 – Nabawasan ang sentensya sa Pilipinong pumaslang kay Lucia Scarpa noong Oktubre 3, 2011 na nagtamo ng dalawampu’t siyam na saksak matapos singilin ang kapitbahay na Pilipino ng 20 euros na utang nito.
Binawasan ang sentensya ng 18 taong pagkakakulong matapos aminin ng akusado ang krimen nang arestuhin ito. Ang ginawang pagpaslang ay epekto diumano ng shaboo, matapos ang isang mainit na diskusyon ukol sa pagbabalik ng 20 euros.
Ayon pa sa Pilipino, hindi ito isang attempted murder bagkus ay isang raptus. Matapos patayin ng salarin ang biktima ay kinuha pa ng 38 anyos na salarin ang pera at relos sa bag ng matanda. Dahilan ng pagbaba ng kaso buhat sa attempted murder sa pagtangkang pagnanakaw.