Ang kakaibang videoke challenge, bukod sa husay sa pagkanta, ay nangailangan din ng luck o swerte sa mabubunot na kakantahin.
Firenze, Dis 27, 2012 – Muli pinatunayan ni Ms. Sentiche Remotin ang kanyang husay sa larangan ng pag awit upang tanghaling kampeon sa unang edition ng Videoke Challenge na handog ng FILCOM EMPOLI sa pangunguna ni Pres. Allan Macalindong. Ginanap ito sa Pallazetto della Sposizione, Piazza Guido Guerra, Empoli noon Disyembre 09, 2012. Kasama ang Umahon Production sa pangunguna ni Mr. Alvin Umahon na siya rin ang mahusay na host ng naturang programa. Kampeon din si Ms. Remotin noon 2009 sa 5th Filipino Song Festival sa Firenze at 2nd placer sa Mommy/Daddy Showdown 2012.
Ang videoke challenge ay naiiba sa mga singing contest dahil ang master song na aawitin, bukod sa husay sa pag awit ay kakailangan din ang luck o swerte sa mabubunot na kakantahin. 15 ang female at male songs na pinagbunutan. Pito ang contestants na pawang mga kababaihan na sina Sharain Constantino-Arezzo, Nancy Cabahug-Firenze, Gayle Cajipo- Altopascio, Cristina Ale-Milan, Gheline Macandile-Pisa, Sentiche Remotin-Firenze at Ma. Fabella Perez-Empoli, samantala ang mga male singers naman ay sina Chris Yap-Castelfranco, Ricky Ortega –Pontedera, Rene Platon-Firenze, Angelito Lapinid-Pisa, Sanny Mermida-Prato at Michael Gonzales-Empoli.
Head of judges si Mr. Albert Ricafort Uy, dating PBB housemate, ex marketing and events responsible for Europe ABS CBN TFC Europe ldt at kasalukuyang Initiative Manager for Western Union payment services, Ms. Ma. Olivia Olivares, host and event organizer and videoke officionando and Alex Perez may malawak na experience sa Japan entertainment Industry.
“Nabunot ko ang panggulong song sa second round at di ko ito alam kantahin kaya nag exit na lang ako ayon kay Mr. Rene Platon”. Dinaan naman sa sayaw ni Ms. Ma. Fabella Perez ang “I Will Survive” dahil di rin niya kilala ang awitin, pero dahil sa sinabayan siya ng publiko ay naging masaya ang mga manonood. Nakamit ni Mr. Angelito Lapinid ang ikalawang puwesto at si Sharain Constantino ang ikatlo. Diva ang dating ng guest performer na si Ms. Justin Salazar at masayang tinanggap ni Romniel Vilches ang isang Ipad bilang winner sa raffle draw.
“Ang aking lubos na pasasalamat sa pag suporta ng mga sponsors Eton International Properties Ldt, Western Union, Melchor Tan, Elmer Clemente, Unifil Empoli, Gbbii Empoli, Danny Santos, Pgbi Azurra Empoli at sa Filcom Empoli Officers and Members, sa lahat ng lumahok at sa aming host/director Mr. Alvin Umahon, ang lahat ng programa ng Filcom Empoli ay inihahandog naming sa komunitang Pilipino sa Italya pagtatapos ni Pres. Allan Macalindong”. (ni: ARGIE GABAY)