Ginanap kahapon, linggo ika-26 ng Abril, ang ‘Sentro Pilipino Joint Congress of Spiritual Advisers and Coordinators 2011’ sa Collegio del Verbo Divino. Ito ay pinangunahan ni Fr. Romeo Velos, ang Chaplain ng Sentro Pilipino sa Roma. Ang tema ng nasabing kongreso ay “Ang kahulugan ng pagkabuhay muli ni Kristo sa ating pamilya” na naglalayong pagtibayin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa loob ng simbahang Katoliko.
Dinaluhan ito ng 48 communitiy coordinators at ng kani-kanilang spiritual directors upang harapin ang iba’t ibang usapin ukol sa social, cultural at spiritual growth and acitivitues ng bawat komunidad. Ang AFPRS o Association of Filipino Priests, Religious, Societies of Apostolic Life members and Seminarians in Italy ay nakapiling din sa nasabing pagtitipon.
Nagbigay din ng kanyang mensahe si H.E Ambassador Romeo Manalo. Ayon sa kanya “Every Filipino community must have a collective vision under the supervision of the Chaplaincy of Sentro Pilipino “.
Nag-uumapaw naman ang tuwa ni Fr. Velos dahil sa kabila ng masamang panahon at dami ng mga okasyon at naging aktibo at kumpleto ang partesipasyon ng community. ‘Isang matagumpay na patunay na tayo ay nabubuklod sa pananampalataya’, ayon kay Fr. Velos.
Pinamunuan naman ni Fr. Greg Gaston , Rector of Collegio Pilipino ang misa bilang pagtatapos ng kongreso. Isang masaganang hapag ang pinagsaluhan bago tuluyang matapos ang nasabing okasyon.