in

SENTRO RIZAL sa Milan, pinasinayaan

Pormal na pinasinayaan ang Sentro Rizal sa Philippine Consulate General in Milan nitong Nobyembre. 

 

Milan, Disyembre 7, 2016 – Panauhing pandangal si Dr. Felipe de Leon Chairman ng Philippine National Commission on Culture and the Arts, sina  Agono Rizal Mayor Geraldo Calderon at Councilor Jerimae Calderon. Dumalo din ang Knights of Rizal Brussels, Belgium at Knights of Rizal members mula sa iba’t ibang chapters ng bansang Italy, ang mga Kababaihang Rizalista, Filcom leaders ng Milan at North of Italy. 

Layunin ng pagtatalaga ng Sentro Rizal sa Milan ang imulat sa mga Pilipino, partikular sa mga ipinanganak sa bansang Italya at dito na lumaki, ang kulturang Pilipino, wika at mga aral ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.

Sa pamamagitan ng Republic Act 10066 o ang National Culture and Heritage Act of 2009 ay nasasaad na pangalagaan ang pambansang kultura at kaakibat nito ang pagtataguyod ng Philippine Arts, Culture at ang pagtuturo ng wikang Pilipino sa  buong mundo, kabilang ang bansang Italya, ng mga Cultural agencies partikular ang NCCA. 

Makikipagtulugan kami sa Consulate para makapagpadala kami dito ng mga expert na pwedeng magturo ng mga elemento ng ating kultura,”ani Chairman de Leon.

Inihalimbawa niya na mayroon silang “language teaching program” para sa mga kabataan na ipinanganak sa ibang bansa tulad ng Italya, na hindi marunong magsalita ng linguaheng pilipino. Maging sa pagtuturo ng mga cultural arts, dances, paggamit ng mga musical instruments gaya ng kumitang, rondalla at iba pa, kasama na dito ang sports tulad ng arnis at ang Philippine literature. Ito umano ay batay sa kahilingan at pangangailangan ng atin mga kababayan.

Ang bansang Italya ay ika-23 na Sentro Rizal na ikinalat ng NCCA sa buong mundo. Kabilang dito ang Phnom Penh, sa Cambodia, dagdag ni de Leon na mayroong higit 24 na estudyante na ang nakapagtapos ng language class para sa beginners level na pinamagatang “Masayang Matuto ng Filipino”, noong taon 2015 sa kanilang pilot class in filipino language.

Inuumpisahan namin sa wika, sapagkat yun ang unang-unang pangangailangan sa ibang bansa,” ani de Leon. 

Ayon pa kay Chairman, batay umano sa ilang mga pag-aaral, lumalabas na ang mga Pilipino ay may maipagmamalaking katangian, kabilang dito ang pinakamahusay sa pag-aalaga ng mga bata’t matanda bukod pa sa pagiging mapagmahal na naituturo rin sa kanilang mga alaga. 

Kaya kailangan ng mga nagtatrabaho ng marangal sa Pilipinas na marangal rin ang kanilang gawain, at marami pa silang maipagmamalaki tungkol sa kulturang pilipino,” paliwanag ng chairman.

Kumbinsido rin umano si Chairman na marami ang mga pilipino na magaling sa sining. Sa katunayan ay marami ang mga sumasali sa beauty contest at mga singing contest bukod pa sa madaling matutong magsalita ng ibang linguahe.

Samantala, mula naman sa panig ni Philippine Consulate General in Milan Consul General Marichu Mauro ay nag-iimbita sa mga kababayan maging sa mga kabataan na ipinanak sa Italya na magtungo sa konsulado at bisitahin ang Sentro Rizal, basahin ang mga aklat ukol sa kultura ng Pilipinas, mga aral ni Jose Rizal at kilalanin din ang iba pang pambansang bayani ng atin bansa.

Ito ang ating point of reference, ng Philippine History, arts, kultura at values natin bilang Pilipino, dito sa Sentro Rizal sa konsulado ang kilometer zero sa pagiging Pilipino natin, mag exchange tayo ng mga ideas kung sino si Rizal”, ani ConGen Mauro.

Samantala, nag-iwan si De Leon ng ilang libro tungkol sa Philippine Traditions at mga libro tungkol sa atin pambansang bayani. 

Binigyan din ng NCCA chairman ng isang souvenir si Consul General ng isang “Maranao Lakub”, ito ay karaniwang ginagamit na sisidlan ng tabako na yari sa kawayan at ito ay isang uri ng tie-dye bamboo na dinesenyo na matatagpuan lamang sa Pilipinas, ayon kay de Leon.

Pagkatapos ay pinirmahan ang isang kasunduan o mutual understanding sa pagitan ng PCG Milan at ang NCCA na ang nilalaman nito ay ang pagtaguyod ng Pilipino cultures at languages.

Nagtungo ang delegasyon ni de Leon sa Rome ng sumunod na araw para sa isa pang inauguration ng Sentro Rizal sa nasabing lungsod.  

 

ni Chet de Castro Valencia

larawan sa Roma ni Stefano Romano

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang “I DO”, nina Jemarie at Claidel

Moroccan family, hinadlangang makapasok sa apartment na itinalaga sa kanila