in

Shaboo – 17 arestado sa Roma

Labingpito ang inaresto, 4 nito ay pawang mga Italyano at 13 naman ay mga Pilipino ng itinuturing na pinakamalakas na grupo ng mga pushers ng shaboo sa Roma.

Setyembre 10, 2012 – Kasalukuyang tinatapos ng Carabinieri del Nucleo Operativo della Compagnia Roma Trionfale ang isang mahalagang operasyon ng pagtugis sa tinatawag na “Asin mula Maynila” o “shaboo” sa itinuturing na pinakamalakas na grupo ng mga pushers nito sa Roma.

Ayon sa report, kasalukuyang kumakalat ang ‘shaboo’ di lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Italya, hindi lamang sa Filipino community kundi pati na rin sa mga Italyano.

Labingpito ang inaresto, 4 nito ay pawang mga Italyano at 13 naman ay mga Pilipino na halos isang taong ring sinubaybayan at tinutukan ng mga awtoridad.

Halos 100 katao ang kinilalang kasabwat sa operasyon, kabilang dito ay ilang mga colf at marami ring kabataang Italyano. Bahay-bahay ang napag alamang paraan ng pagbebenta sa pamamagitan ng isang bayarang driver o taxi. Samantala, ang mga kinikita sa pagbebenta ng shaboo ay muling ipinapadala sa Pilipinas at muling ipinupuhunan doon.

Mga mahahalagang detalye ang ilalabas sa gagawing press con ngayong alas 11 ng umaga sa Comando Provinciale dei Carabinieri di Roma matatagpuan sa piazza San Lorenzo in Lucina 6.

video

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MALAWAKANG KAMPANYA NG POLO – ROMA SA UMID CARD PUSPUSAN

Gatas sa ugat ni Marcus, kumpirmado