Hindi pa rin matigil tigil ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot kahit na maraming beses nang nasangkot ang mga pinoy sa iligal na business na ito.
Arestado kahapon ang isang 39-anyos na pinay na ilang araw ding inobserbahan ng mga alagad ng batas ng Commissariato Comasina sa Milano.
Ang pagkakaaresto sa babaeng tulak ay bunga ng pagkahuli sa isang 23-anyos na pinoy noong nakaraang linggo. Nagkaroon pa ng follow up investigation at minatyagan ang galaw ng pinoy. Napagalaman ng mga imbestigador na isang kababayan ng huli ang laging nitong pinupuntahan at Ilang beses umanong labas-pasok ito sa isang bahay sa Via Castelli kung kaya’t naging mainit ang nasabing lugar sa mga mata ng mga awtoridad. Upang maisagawa ang “entrapment operations”, nagpanggap na mga technicians ng antenna ang mga pulis para makapagmanman ang mga ito ng mas malapitan. Sa pagbukas ng lady pusher sa pinto ng apartment ay doon na isinagawa ng mga pulis ang operasyon. Natagpuan ang nasa 30 sachets ng narepack na shabu, isang digital weighing scale, 2 libong euro cash, at pitong gramong shabu na hindi pa narerepack na may katumbas na 70 dosis. Hindi na rin umano bago sa mga pulis ang pangalan ng babae dahil sa iba pang kaso nito.
Paalala ng mga awtoridad na ang shabu ay sampung beses na mas malakas kesa sa cocaine.
Ang pagkakahuli ng mga pushers sa teritoryo ng italya ay bunga ng malawakang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Quintin Kentz Cavite Jr.