in

Shabu seller, timbog sa hotel sa Parma

Para sa isang pinoy sa Parma,  hindi malinaw ang laman ng kanta na may mga katagang “Bagong taon ay magbagong buhay”

Tuloy ang kalakalan ng droga at kung ano-anong paraan na lamang ang naiisip. Ngunit ang kampanya ng mga awtoridad laban sa ipinagbabawala na gamot ay wala ring pahinga. Bunga nito ay ang pagkakahuli sa isang 40-anyos na pilipino sa lungsod ng Parma. Walang kawala at hindi nakaimik ang inarestong lalake dahil sa mga ebidensyang nakuha laban sa kanya. 

Nangalap  ng  impormasyon ang mga carabinieri ng Stazione Parma-Oltretorrente at  agad na nagsagawa  ng isang raid. Sa hotel kung saan naitimbre na nakapirmi ang “drug seller” ay natagpuan ang mga ipinagbabawal na gamot.  Ang pekeng turista  ay nagbayad umano  sa hotel sa pamamalagi ng ilang araw upang maiwasan ang hinala ng mga kapulisan.  Ilang pakete ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad,mga kagamitan sa pagrepak,  kilohan at euro cash. Ang pera ay katas umano ng bentahan ng ipinagbabawal na gamot. 

Muling ipinaalala ng mga eksperto na ang shabu ay isang napakalakas na iligal na droga.  Aabot sa sampung beses na mas malakas kaysa sa cocaina at nagdudulot ng malaking pinsala sa katawan at pagiisip. Ang ilan pang mga pinsalang maaring idulot ay pagkalagas ng buhok, panginginig, biyolensa at pagkawala sa sarili. 

Kasalukuyang mainit ang mga mata ng  kapulisan sa mga komunidad ng mga pilipino sa malalaking siyudad ng Italya. Dahilan nito ay ang mataas na bilang ng mga kasong kanilang hawak na may kinalaman sa shabu. Base umano sa kanilang mga imbestigasyon, ang mga asian communities ay ang “hardin” ng nasabing iligal na droga. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization 2020, extended ulit ang deadline hanggang January 8, 2021

Restriksyon January 7-15 Ako Ay Pilipino

Restriksyon sa January 7-15, inaprubahan. Ang nilalaman.