in

‘Siglo ng Pagluluwal’ ni Lav Diaz sa Venice Film Festival 2011

altSiglo ng Pagluluwal’ o ‘Century of Birthing’, ito ang titolo ng bagong pelikula ni Lav Diaz, isang award-winning filmmaker na tinaguriang ‘Ama ng Makabagong Pelikula ng Pilipinas’ na napiling maging bahagi ng programa sa seksyon ng Horizons (Orizzonti) ng 68th Venice International Film Festival na gaganapin mula Agosto 31 hanggang Septiyembre 10, 2011.

Dalawang beses ng napabilang si Diaz sa Orizzonti. Natatandaang nanalo ito noong 2008 sa Melancholia at special mention naman noong 2007 sa Death In The Land Of Encantos. Napabilang din na isa sa mga judges ng Orizzonti sa Venice noong 2010.

Ang Century Of Birthing ay isang meditasyon o pagmumuni-muni sa mga tungkulin ng mga artist sa dalawang magkaibang istorya ng buhay: bilang isang filmmaker sa kanyang pinakabagong proyekto at bilang isang Christian leader sa isang rural area.

Gayunpaman, sa Septiyembre 10, sa pagsasara ng Festival ay ipapalabas ang dalawang napiling pelikula: ang  ‘Marian Ilmestys’ (The Annunciation)’ ni Eija-Liisa Ahtila, isang Finnish at ang ‘Monkey Sandwich’ ni Wim Vandekeybus, isang artista at photographer mula sa Belgium.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipinos Commemorate Ninoy Aquino’s Death Anniversary

OFWINNER CARAVAN TAGUMPAY SA ROMA