in

Siguraduhing makakarating ang tulong sa mga biktima sa Taal, narito ang ilang tips

Dahil sa malaking pinsalang dulot ng pagsabog ng Taal, marami ang nagtatanong kung paano sila makakatulong. 

Kung naghahanap ng paraan upang magbigay tulong, hinihikayat na mag saliksik upang makasigurado na ang tulong ay mapupunta sa isang mapagkakatiwalaang organisasyon na siyang mamamahagi o mamamahala sa pera ayon sa iyong kagustuhan o batay sa inyong kasunduan.

Maaaring hindi mapagkakatiwalaan ang mga urgent appeal para sa tulong na nakukuha ng personal, sa telepono o mail, sa e-mail, sa mga website, o sa mga social networking site.  Sa kasamaang-palad, kahit sa panahon ng kagipitan, ang mga lehitimong charity ay sinasabayan din ng mga manloloko na nagso-solicit para sa mga bogus na charity, o hindi lubos na tapat tungkol sa kung paano gagamitin ang mga kontribusyon.

Kapag magbibigay tulong, in cash o in kind, upang suportahan ang mga biktima ng Taal, narito ang ilang mga tips:

  • Direktang magbigay tulong sa ahensya ng pamahalaan o sa mga kilala at mapagkakatiwalaang grupo o asosasyon. Humanap ng charity na may mahusay na talaan sa mga ganitong kalamidad.
  • Magduda sa mga charity o grupo na ngayon pa lamang itinatag dahil sa mga kasalukuyang pangyayari. Magsaliksik muna ng ilang impormasyon tungkol dito.
  • Tukuyin ang kalamidad na bibigyang tulong.  Maaaring bigyan ka ng opsyon at ibigay ang tulong sa ibang kalamidad. Sa ganoong paraan, masisigurado mo na ang pondo ng iyong organisasyon ay mapupunta sa disaster relief.
  • Magkaroon ng isang point person. Tanungin kung ang kausap ay para kanino nagtratrabaho. Kung ito ay isang fundraisier, alamin kung anong porsiyento ng donation ang mapupunta sa charity at sa fundraiser.  Kung hindi makakuha ng malinaw na sagot, o kung hindi gusto ang sagot na makukuha— maigi sigurong magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng ibang organisasyon.
  • Huwag ibigay ang personal o pinansiyal na impormasyon — kabilang ang credit card o bank account number — maliban kung masisigurado na mapagkakatiwalaan ang napiling charity group.
  • Alamin kung ang charity group o NGO ay rehistrado 
  • Kung magpapadala ng cash: siguraduhin na gagamitin ito ng napiling charity o organisasyon ayon sa iyong kagustuhan. Halimbawa pambili ng gamot at ng ibang urgent needs sa mga evacuation center. 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Enrollment online para sa School Year 2020-2021 hanggang Jan 31!

Ako ay Pilipino, pinarangalan bilang “Best Newspaper on Migration 2019”