in

Silid-Paaralan sa Bohol, naisakatuparan ng ENFiD-ITALY

Isang silid-paaralan ang naging tugon ng mga Filipino communities sa Roma at buong Italya sa pangunguna ng ENFiD Italy.

 

Roma, Setyembre 16, 2015 – Sa likod ng maraming pangangailangan upang muling bumangon ang Bohol matapos itong mayanig ng mapaminsalang lindol noong ika-15 ng Oktubre 2013, pinili ng ITA FIL CARE, (Italo-Filipino Concerted Action for Relief, Rescue and Rehabilitation), ang bisig-kawanggawa ng ENFID-Italy, ang magtayo ng gusaling magsisilbing paaralan.

Malakas ang paniniwala ng ENFID-Italy na napakahalaga ng “investment” sa mga bata at kabataan sa usapin ng “nation-building” at kaularang pang-matagalan. Kaugnay nito, isang gusali na may dalawang silid na may palikuran ang ginawang pangunahing proyekto.

Mainit, mabilis at makabuluhan ang naging tugon ng mga Filipino communities sa Roma at buong Italya, gayun din ng mga Filipino local businesses at nakalikom ng 10,000 euros. Sapat na halaga upang bigyang katuparan ang partnership ng ITA FIL Care sa Philam Foundation, PACT at Give2Asia.

Nitong Setyembre ay ginanap ang TURNOVER ng nasabing gusali sa pamunuan ng Maribojoc Central Elementary School sa Bohol. Malugod na tinanggap ng komunidad ang gusali na may dalawang silid-aralan, kusina at banyo at inaasahang magbibigay pag-asa sa karapatan sa edukasyon sa ilang daang kabataan ng bayan ng Maribojoc. At dahil konkreto, ang gusali ay magsisilbi ring emergency evacuation center sa panahon ng kalamidad. Matatandaang ayon sa mga eksperto ng UN, ang Pilipinas ay isa sa 10 high-risk countries sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng matibay na evacuation centers na kayang saluhin ang hangin na may bilis na higit sa 200 kilometro bawat oras at kayang manatiling nakatayo sa gitna ng lindol na may lakas na higit sa 7 sa Richter Scale ay malaki ang maitutulong.

Si Carmencita Ferreira, opisyal ng ENFID-Italy, ang kumatawan sa Filipino community sa Roma sa nasabing turnover at si Sally Pedersen, ang local contact person ng ENFID Bohol.

Ito ay ang ikalawang proyekto ng ITA-FIL CARE dahil matapos masalanta ng bagyong Yolanda ang Tacloban nakalikom ng halagang €12,515.36 na ipinagkaloob naman sa Divine Word Hospital. Ang nasabing halaga ay ibinili ng OMNIBUS LAB EQUIPMENT at mga pangunahing gamot na kinailangan sa nasabing ospital.

There’s still much to be done. Let the filipino bayanihan spirit be kept alive so that through a continuous partnership we can build more school classrooms for the children of Bohol. I would like to take this occasion, to thank all those individuals and the many filipino communities and businesses who contributed to this project. Mula sa ENFID-Italy and ITA-FIL CARE, naipakita natin na ang network ng mga communities ay pwedeng pwede maka-deliver ng isang project tulad nitong school building. Mabuhay po tayong lahat’, pagtatapos ni Monsignor Jerry Bitoon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Otto per mille, simula ng aplikasyon para sa mga nais makatulong sa mga refugees

Reporma sa pagkamamamayan, mga mungkahi buhat sa l’Italia sono anch’io