Milan – Enero 7, 2014 – Ang simbang gabi ay nagmula pa sa panahon ng kastila na nagdala ng relihyong katoliko sa ating bansa, ang Pilipinas. Ito ay tinatawag din na Misa de Gallo dahil ang pagdiriwang ng misa sa ginagawa tuwing madaling araw halip na gabi na karaniwan sa ibang bahagi ng hispanic world.
Sa Pilipinas, at maging sa labas ng bansa kung saan may Pilipino, ito ay naging kaugalian na rin ng mga deboto, ang makumpleto ang 9 na araw o nobena bago sumapit ang araw ng Pasko. Naging kultura na ito para sa ating mga Pilipino at naging simbolo ng pagbabahagi sa tuwing sasapit ang pasko.
Libo libong mga debotong Pilipino na kibabibilangan ng iba’t ibang mga religious groups at filipino communities ang nagtungo sa simbahan ng Duomo sa simula ng Grand Simbang Gabi noong December 16, 2013 na inorganisa ni Efren Montillana ng Naujenos Mindoro in Milan.
Ang main celebrant sa naturang tradisyon sa taong 2013 ay si Monsignor Carlo Faccendini, Episcopal vicar ng Milan.
Sa maikiling talumpati ni Montillana, sinabi niya na ang simbang gabi 2013 ay alay din sa mga nasalanata ng supertyphoon kamakailan.
“Magsilbing tanglaw nawa sa lahat ang mga mumunting ilaw ng KORONANG ADBIYENTO ng SIMBANG GABI sa mga mabibigatan , may sakit at nawawalan ng pag-asa, may suliranin, mga OFW at mga nasalanta ng Supertyphoon Haiyan/Yolanda at sa lahat ng uri ng Kalamidad. Maging liwanag na gabay sa muling pagbangon,” bahagi ng mensahe ni Montillana. (Chet de Castro Valencia at Nilo Quiton)