in

‘Simula, Noon at Ngayon’ ng Pinoy Teens Salinlahi, tagumpay!

Ang tatlong oras na cultural show ay tila isang pagbi-biyahe sa 7,107 isla ng Pilipinas na puno ng kasaysayan at binigyang kulay ng 33 mahuhusay na kabataang nagmamahal sa kulturang Pilipino. 

 

Dinumog ang matagumpay na unang Cultural Presentation ng Pinoy Teens Salinlahi nitong Pebrero sa Taetro Vigano. 

Tampok sa nasabing cultural show, may pamagat na “Simula, Noon at Ngayon” ang mga kabataang miyembro ng grupo, may edad mula 6 hanggang 17 taong gulang, na nagpakitang-gilas at ipinamalas, bukod sa mga tradisyunal sa sayaw at awitin, ang kasaysayan ng Perlas ng Silangan. Sa katunayan, pangunahing layunin ng grupo ay ang mapanatili sa mga kabataang karamihan ay sa Italya na ipinanganak at lumalaki, ang yaman ng kultura at tradisyong Pilipino bukod pa sa ipakilala ito sa bansang Italya. 

Dinaluhan ang pagtatanghal ng higit sa 500 katao. Kabilang sa mga panauhin si H.E. Ambassador of Timor-Leste to the Holy See Egas Da Costa Freitas, Honorable Sabrina Alfonsi, ang presidente ng Municipio Roma 1, Sig.ra Marra Gianluca mula sa Regione Lazio, Paola La Martina at Gabriela Ferretti mula sa Associazione Casa Famiglia AimKarim, Cultural Officer Edel Mae Patugon mula sa Philippine Embassy at marami pang iba. 

Ang tatlong oras na cultural show, sa direksyon ni Armand Noma, ay tila isang pagbi-biyahe sa 7,107 isla ng Pilipinas na puno ng kasaysayan. Sinimulan sa Alamat ni ‘Maganda at Malakas’ at nagpatuloy sa ‘Noon’ sa pamamagitan mga makabuluhang Dances of Cordillera Mountains, ang Igorot. Sinundan ng makulay na Voyage to Southern Philippines, sa pamamagitan ng Muslim dances lakip ang mayamang kasaysayan ng pagdating at pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Itinampok pagkatapos ang Dances of the Low-land Western o ang Maria Clara, ang panahon ng tanyag na Kalesa. Hanggang sa umabot sa Rural dances, tampok ang Harana at ang Barrio Fiesta. At sa pagpapatuloy ay ipinamalas ang isa sa pinakatanyag na folk song ang Leron Leron Sinta, ang Musikang Pinoy sa dialect tulad ng Lawiswis kawayan, Manang Biday, Sarungbanggi, Dandansoy, Ati ku pung singsing at iba pa. Partikular ang atensyon ng mga panauhin sa ating national dance, ang Tinikling na nagtapos sa mabilis na ritmo ng kayawan, sabay ang masigabong palakpakan ng publiko. At dahil mga kabataan – sa ‘Ngayon’ – ang kanilang pinakahihintay at maituturing na pinaka paboritong bahagi, ang Hip hop na sinundan na kahanga-hangang Finale na umani ng papuri at paghanga mula sa mga dumalo.

Sa kanilang pagtatanghal ay buong tapang at walang dudang kanilang ipinamalas ang kanilang husay, talento at taas-noong pagmamalaking sila ay mga Pilipino! Buong-suporta naman ang mga magulang at tila maluha-luha pang kasama ng kanilang mga anak na nag-vow sa entablado at sabay-sabay pinasalamatan ang publiko. 

We are all so amazed and delighted to see the appreciation and contentment on the faces of our spectators. The overwhelming response and compliments gave us more inspiration to continue to give more good performance like this, and to share not only to Filipinos, but to the international community how rich and beautiful the Filipino culture is. Muli po maraming maraming Salamat sa inyong lahat! Mabuhay ang Kulturang Pilipino!”, ayon kina Lina Santos at Tess Javines, ang mga founders ng Pinoy Teens. 

Ang Pinoy Teens Salinlahi, ay itinatag noong 2010, sa pagnanais ng anim na kabataang Pilipino, sa kasalukuyan ay mayroon ng 33 kabataang miyembro. Kilala ang Pinoy Teens sa kanilang mga community performces, na hindi naglaon ay nagpa-unlak na rin sa ilang mahahalagang festivals tulad ng Festival dell’Oriente (2015 at 2016), Festival del Popolo sa Rieti (2014) at pati na rin Aquila (2015). Itinampok na rin ang grupo sa ginanap na Asian Festival sa France (2012). Matatandaang, sila rin ang umawit ng Lupang Hinirang sa nakaraang pagbisita ng dating Pangulong Aquino sa Roma (2014). Sa katunayan, ang Pinoy Teens ay kinilala rin bilang Outstanding Youth Civic Organization ng Federfil noong nakaraang Disyembre sa Milan.

 

 

Director’s note:

We have always firmly believed that the Filipino talent is of world class quality. Thus, we have made it our mission to give people a world class entertainment. 

The objective of our cultural show is two fold….social and cultural. The social goal is to help ( beneficiary) by raising funds that will help finance the organization. The cultural aim, on the other hand, is to popularized theater to a wider market and uplift their appreciation of the arts through entertaining, relevant and meaningful theatrical spectacles.

We at the “PINOY TEENS SALINLAHI” have thoroughly enjoyed every aspect of “SIMULA NOON AT NGAYON” from its planning, marketing and advertising, rehearsals up to the performance. We hope you will like and enjoy it too, as much as we did putting it all together.

To all the people who believed and made this project possible, we thank you from the bottom of our hearts. We sincerely and greatly extend our deepest gratitude to these beautiful talented children, the production and creative team, our sponsors, partners, our Filipino and Italian friends and most especially to our families for all of their understanding and moral support.

And to all the people who came to watch the show, we greatly appreciated your curiosity, enthusiasm and your applause.

“SIMULA….NOON…AT NGAYON ……is for you.

And to Lord God above … We give it back all the glory to you.  

 

 

 

PGA

larawan nina: Mark Mejia,

Stefano Romano 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2017, narito ang instruction para sa click day!

NASpl at ASDI, ang pagkakaiba sa dalawang unemployment benefits