in

SINGING CONTEST, HANDOG NG CLUB C.O.S.Y. SA KANILANG KAUNA-UNAHANG ANIBERSARYO

Rome, 10 Pebrero 2012 – Nagsilbing malaking blessings para sa Club C.O.S.Y. ang pag-ulan ng snow sa Roma pagkalipas ng maraming taon noong nakaraang Pebrero 4-5, 2012.  Sa mga petsa kasing nabanggit napatapat ang dalawang araw na pagdiriwang ng kauna-unahang anibersaryo ng Club C.O.S.Y., 

isang “Circolo Culturale” na pinagtulungang itinatag nina Carol Abad at Olivia dela Cruz.  Ito ay matatagpuan sa Via Antonio Raimondi, 84 (Zona Prenestina) kung saan dumadaan ang mga trams number 5 at 14.  Bagama’t isang taon pa lamang itong nag-ooperate naging tambayan na rin ito ng mga kapwa nating Pilipino na gustong mag-enjoy kasama ang iba pang kapwa Pilipino.  Pinagtatanghalan din ito ng iba’t-ibang Pilipino bands tulad ng Rubber Duck Band, Acoustika Band, Zonacoli Band at Zonacoli Unplugged & Friends Band. 

alt

Isang Singing Contest ang naisipang gimik para ipagdiwang ang kauna-unahang taon ng anibersaryo ng Club C.O.S.Y.    Ginanap noong Pebrero 4 ang elimination round ng singing contest na kinalahukan ng 15 participants.  Pinili mula sa kanila ang 5 finalists na nagtunggali naman nang sumunod na araw, Pebrero 5.   Nasungkit ng contestant na si Luisito Piansay Brazil ang first prize ng contest.  Sa dalawang mga araw na nabanggit natala din ang kauna-unahang malakas na pag-ulan ng snow sa Roma pagkalipas ng maraming taon.  Madalang man ang mga tumatakbong buses o sasakyan noong mga araw na iyon sa Roma resulta ng mataas na snow, hindi ito naging hadlang para dumugin ang selebrasyon ng napakaraming mga Pilipino. 

alt

Maging ang mismong mga nagtatag ng Club C.O.S.Y.,  na sina Carol at Olive ay hindi makapaniwala sa tagumpay na tinatamasa ng Club.  Hindi kasi naging madali para sa dalawa ang mga naunang eksperyensya sa pagtataguyod ng nasabing Club.  Dumaan din sila sa napakaraming pagsubok na minsan ay humantong na rin sa panghihina ng loob.  Dugo at pawis ang masasabing naging napakalaking puhunan ng mga naging tagapagtaguyod nito.  Ngunit sa tulong na rin ng mga malalapit na kaibigan at masidhing determinasyon, ang Club C.O.S.Y. ngayon ay matagumpay na naka-isang taon na.   Dito rin napatunayan nina Carol at Olive na totoo ang ating kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga.”

Congratulations, Club C.O.S.Y.  Congratulations Carol at Olive, dapat kayong ipagmalaki ng bawa’t OFW sa Italya.

ni: Rogel Esguerra Cabigting

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NATUTURUAN BA ANG PUSO?

Whitney Houston, sumakabilang buhay na