in

Sino si TAHJACK TIKAZ?

Rome, Oktubre 10, 2012 – Isang exclusive interview ng akoaypilipino.eu sa isang kabataang pumukaw sa damdamin ng mga ofws sa pamamagitan ng kanyang awitin, ng kanyang musika, ang rap.

Ako po si JACK ROMAN BAYLOSIS TENA. Mas kilala sa “TAHJACK TIKAZ”, bilang aking screen name. Ako po ay 22 yrs old ipinanganak  sa Rome noong July 31 1990. Layunin ko po ang ipakilala at magbigay ng pinoy rap music dito sa Roma.

Iniuwi po ako sa Pilipinas noong ako’y sanggol pa lamang upang ang aking mga magulang ay makapag trabaho. Bumalik muli ako sa Roma sa edad na 12 taong gulang upang sila naman ay aking makapiling. Dito sa Roma ko na ipinag patuloy ang aking pag aaral ngunit hindi ako nakapagtapos dahil nagkaroon ng karamdaman ang aking ina. Ang aking ama na lamang ang natataning nag hahanapbuhay, kung kaya’t ako ay nag desisyon na tumulong na mag-trabaho upang aming matugunan ang aming mga pangangailangan.

Kailan ka nagsimulang kumanta at sumulat ng rap?

Bata pa lamang ay mahilig na akong makinig ng mga rap music. Sa Roma ay hinangaan ko ang mga nag rarap at ako ay na-ingganya kung paano nila ito dalhin, gawin at kantahin. Ang paghanga sa kanila ang naghikayat sa aking sumulat ng mga awitin.

Anu-ano ang iyong inspirasyon sa pagsusulat ng mga rap?

Noong una ay tila laro at pampalipas oras lamang ang pagsulat at pagkanta ng rap, ngunit di naglaon ang pag susulat ko ng kanta ay aking naging sandalan sa panahon na mayroon akong mga problema,kapag manliligaw, kapag hindi alam ang gagawin at lalo na kapag nasasaktan. Ito ang aking naging paraan ng pagharap sa mga hamon ng buhay.

Hanggang dumating ang araw na napuna ang aking mga awitin at sinabing "OK" ang mga ito at kailangang ipagpatuloy. Bagay na nagpagaan sa aking damdamin. Bagay na nag-kumpirma na ang pagsusulat ko ng mga awitin ay hindi na lamang pampalipas ng oras.  

Bakit ito ang mga napipili mong tema sa iyong mga rap?

Ang karaniwang tema ng aking mga rap song ay ang ating inang bayan. Dahil din ito sa sampung taon ko ng hindi nakikita ang Pilipinas. Nais kong maipakita kahit man lamang sa maliit na bagay kung gaano kahalaga sa akin ang pagiging Pilipino at ang bansang Pilipinas ang nagbibigay ng inspirasyon sa aking pagsusulat. Ito ay naghahatid ng ginhawa at gaan sa aking pakiramdam. Dahil dito bawat himig ng aking mga awitin ay
buhat sa aking puso at buong pagkatao, at buong puso kong iniaalay sa aking inang bayan at sa buong mundo.

Mayroon ka bang maituturing na favorite sa lahat ng iyong mga composition? – Ano ito?

“NANINIWALA AKO”, ito ang titolo ng pinaka gusto ko sa lahat ng aking isinulat. Hindi lamang sa napakahalagang mensaheng nais kong ipaabot sa buong mundo kundi ang paniniwala ng isang kabataang tulad ko na may magaganap pang pagbabago.

Hindi lang maganda ang nilalaman o content ng rap, but maganda rin ang pagde-deliver mo, pinag-aralan mo ba ito or mayroon bang nagtuuturo sa iyo?

Walang nagturo at hindi ako nag-aral ng musika. Ang talentong ipinagkaloob sa akin ay aking piangsusumikapang paunlarin at pagbutihan. Kaya po sa lahat ng ating mga kababayan na humahanga at tumatangkilik sa aming musika, ang rap, nais ko po kayong pasalamatan at akin pong pangako na kayo ay makakaasa na ang talentong ito buhat sa Diyos Ama ay aking gagamitin lamang sa kabutihan upang maging inspirasyon at modelo ng mga kabataang tulad ko. MABUHAY ANG MUSIKANG PINOY!

NANINIWALA AKO

PINOY

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang liquidazione o TFR? Sino ang maaaring tumaggap nito?

Aplikasyon sa Sanatoria, umabot sa 70,000