One Heart, One Goal, ito ang tema ng ginawang Sports Festival sa Milan na pinangunahan ng JIL o Jesus is Lord Milan. Layuning makamit ang pagkakaisa ng bawat Pinoy sa Milan at sa buong Italya.
Milan, Setyembre 5, 2016 – Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng mga religious groups sa Milan, ang Jesus is Lord o JIL ay nag-organisa ng isang malakihang sports festival para sa taong 2016.
Layunin ng JIL ay ang makamit ang pagkakaisa ng bawat Pinoy sa Milan, at sa buong Italya.
“One Heart, One Goal”, ang tema ng ginawang Sports Festival 2016.
Apat na malalaking grupo ang lumahok sa nasabing palakasan na kinabibilangan ng: The Best Company of Ilocano sa pamumuno ni Ben Turato; CBC Pampanga sa pamumuno ni Noel Maniego; Novo Ecijanos sa pamumuno ni Jovito Evangelista; at Mindoro Tamaraws sa pamumuno din Jimmy Monsanto.
Mahigit 1,500 mga Pilipino ang dumagsa sa Centro Sportivo P. Vismara sa Via Dei Missaglia, Milan Italy kung saan ginanap ang 2-day sports festival.
Dumalo din ang Philippine Consulate General in Milan, Consul Conrado Demdem, at sa kanyang maikling talumpati ay nagpasalamat sa imbitasyon ng JIL at sa magandang layunin ng nasabing proyekto.
“Nandito tayo for camaraderie and sportsmanship, so let’s do everything for God”, wika ni Demdem.
Basketball, volleyball, chess , table tennis, darts, ang kanilang pinaglabanan.
Maliban dito ay nagkaroon din ng cheerdance competition maging ang mga batang lumahok dito.
Ayon pa kay Junard Borcena, JIL member at sports fest organizer, ito ang kauna-unahang pagkakataon na maimbitahan ang filipino community ng nasabing religious group. Ang pagsasagawa ng mga ganitong events taun-taon ay karaniwang exclusive lamang sa community ng JIL paalala ni Borcena, subalit para sa taong ito ay napagpasyahan ng bawat pastor ng JIL sa Milan, maging ang mga miyembro nito na imbitahin ang ibang Filipino groups na lumahok sa kanilang taunang palakasan.
“Kailangan ipakita sa lahat ng tao ang pagmamahal, dahil hindi puwedeng kami lamang mga kapatiran ang nagmamahalan, dapat pati ibang tao minamahal namin”, wika ni Borcena.
Sinabi pa niya, marami ang mga grupong Pilipino sa Milan at sa buong Italy ngunit nagkakanya-kanya, kung kaya’t inorganisa ng grupo ang nabanggit ng sports fest para pag-isahin ang buong Filipino community.
Malaki ang pasasalamat ng buong grupo ng JIL kay Rev. Pastor Benny Alcantara sa kanyang pagsuporta sa proyekto dahilan ng pagiging matagumpay nito.
“Pilot project namin ito, at gusto pa namin palakihin kung papayagan kami ni Panginoon”, ani ni Borcena.
Inaasahan ng JIL na lalahok din ang iba pang mga grupo o mga magkakababayan sa susunod na sports fest at makikiisa sa kanilang layunin.
Ang Jesus is Lord sa ilalim ng kanilang founder na si Eddie Villanueva, ayon sa kanilang datos, ay mayroong higit sa 76 na simbahan sa Europa kung saan ang 60 nito ay matatagpuan sa Italya. Ang Milan, Italy naman ang may pinakamaraming simabahan sa kasalukuyan na aabot na sa 19.
Base sa talaan ni Israel Masangcay ng JIL, narito ang resulta ng mga nagwagi sa nakaraang JIL Sports Fest 2016 “One Heart, One Goal”.
Individual Sports
1. Chess – Novo Ecijanos
2. Dart – CBC Pampanga
3. Table Tennis – Best Company of Ilocano
Team Sports:
1. Basketball – CBC Pampanga
2. Volleyball – Best Company of Ilocano
Cheerdance:
JIL Churches – Area 2 (Churches of Bisceglie 1, Bisceglie 3, Lissona, Dergano 1, Varese) at ang Fil Com – Mindoro Tamarraw
Dance contest: kampeon ang grupong Eh di Wow Eternal Divine Words
Most United Community: ang Mindoro Tamarraw
Overall Champion ang JIL Churches – Area 3(Churches of Stadera 1, Stadera 2, Stadera 3, San Donato 1, San Donato 2 ) at ang Fil Com – Mindoro Tamarraw
Mga Hurado ng Sports Fest na kilabibilangan nina:
Signora Anna Monzini – JIL cornerstone
Tess Acuna – Founder of Filipino blood donors of Milan
Angelie Bernal – President of Philippine Nurses Association of Milan
Richard Maranon- moon travel agency of Evelyn Amorin
Noemi Manalo – mula sa isang pahayagan sa Milan
Marco – Direttore Filiale Milano Pergolesi mula sa isang kilalang bangko
Mga lider ng mga iba’t ibang communities ng JIL:
1. Director of International Operations Europe 2 – Rev. Benedicto Alcantara
2. Area 1 – Ptr. Jose Rivera
3. Area 2 – Ptr. Arthur Alcantara
4. Area 3 – Ptr. Sherwin Lapuz
5. Area 4 – Nancy Gutierrez
ni Chet de Castro Valencia