in

Sportsfest sa Firenze, hitik sa saya at pagkakaisa

Masayang naidaos ang taunang sportsfest sa Firenze na inorganisa ng CONFED Tuscany bago pa man tuluyang dumating ang panahon ng taglamig. Sabi nga ng mga nasa likod na naglunsad ng palarong pangkalusugan, ito ay ang kanilang huling hirit sa tag-init at bukas sa lahat ng nais makiisa, isang pagpapatunay na ang lahat ay may puwang sa puso ng Confed Tuscany.

Walang kinakailangan requirements. Hindi kinakailangan ang pagiging isang propesyonal na manlalaro. Ang importante ay ang espiritu ng isang pilipinong nakikiisa at nakikisaya. Hinikayat din ng mga nagorganisa na dalhin at isali ang buong pamilya bilang “family bonding” na rin at para mahubog ang mga kakayahan at talento ng mga kabataan sa loob ng komunidad. 

Bandang alas 9 ng umaga ay nakita na ang iba’t-ibang kulay na nabubuo sa Campo Sportivo Sorgane sa Via Isonzo sa Firenze. Marami ang nakilahok na nagmula pa sa iba’t-ibang parte ng rehiyong ng Toscana para makiisa sa inisyatibang ito at para makasalamuha na rin ang mga kababayan o mga kamag-anak na matagal ng hindi nakikita. 

Layunin ng sportsfest 2018 ang mas lalong pagtibayin ang samahan ng iba’t-ibang asosasyon sa Toscana sa ilalim ng payong ng konpederasyon, gayundin ang bigyan ng pagkakataon ang lahat na maipakita ang “competitiveness” sa larangan ng isport, hubugin ang mga talento ng mga kabataan, at panatilihing maayos ang estado ng kalusugan. 

Bilang pagpapakundisyon at pag “warm up” ng mga nakilahok, sinimulan ang ebento sa pamamagitan ng pag zumba na kinagiliwan ng lahat sa pangunguna ng mga tinaguriang “zumba girls” na sina Arlene Abutin, Judee Barcenas, Cristy Isabella Acosta, at Sally Escalona. 

Buhay na buhay na may kasamang hiyawan at palakpakan ang simula ng labanan. Dahil sa maayos na pagkakaorganisa ni Sports Board Chairman na si Pabs Alvarez at Committee Head na si Marlon Lapitan, matagumpay na naidaos ang ebento ng palakasan sa iba’t-ibang kategoriya tulad ng Volleyball Men and Women, Track and Field, walkathon, mga piling filipino traditional games at iba pa. 

Sa larangan ng Volleyball Men’s division ay nagchampion ang Mindoreñans Group, 2nd ang Red Soil at 3rd naman ang Quezonians. 

Sa women’s Volleyball naman ay pinalad na muli ang mga kababaihan ng Mindoreñans na nag champion, sinundan ng Quezonians bilang 2nd placer, at 3rd placer ang Red Soil. 

Sa Tug of war ay panalo ang Mindoreñans, 2nd ang Quezonians, 3rd ang Red Soil, at 4th runner up ang Annak ti Santa Catalina. 

Sa Long Jump ay gold medalist si Mark Anthony Hipol, silver medalist si Jay Macaraig, at Bronze naman si Jun Villanueva. 

Sa larangan ng women’s walkathon, ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod: 3rd place si Menchie Noche, 2nd placer Jocelyn Marasigan, at si Myrna Datinggaling Castillo naman ang tinanghal na winner. 

Ang iba pang results ng mga paligsahan ay ang mga sumusunod: 

50-meter dash Men’s Division, 1st Mark Anthony Hipol, 2nd Joel Macaraig, 3rd Jommel Mendoza 

50-meter dash Women’s Division 1st Lea, 2nd Rea, 3rd Rosie Reyes 

50-meter dash kids’ Division, 1st Lawrence, 2nd Jhowel, 3rd Austin 

100-meter dash Men, 1st Mark Anthony Hipol, 2nd Jommel Mendoza, 3rd Joel Macaraig 

Sack Race Men’s Division, 1st Joel, 2nd Charlie, 3rd Jommel 

Sack Race Women’s Division, 1st Heidi, 2nd Justine, 3rd Jasmine 

Sack Race Kids, 1st Kyla, 2nd Lawrence, 3rd Jewel 

Tinanghal na over-all champion ang samahan ng mga Mindoreñans. 

Nagkroon din ng isang corner sa para sa “poster-painting contest for kids” at isang booth para sa basic newswriting sa pangangasiwa ng staff ng Balitang Toskana na pinagunahan ni Maria Teresa Salamero. 

Sa paglisan ng bawat isa sa lugar na pinagdausan pabalik sa kanya-kanyang mga tahanan at trabaho, kita ang mga ngiti sa mga mukha at hindi matawaran ang saya ng lahat. Nagpakita ang lahat ng sportsmanship at sa mga pamunuan, ang pagpapakita ng serbisyong totoo sa mga nasasakupan. Taos puso ang pasasalamat ni CFCT Pres. Divina Capalad kasama ang VP na si Amy Bayongan sa walang sawang pagsuporta ng bawat asosasyon na nakiisa sa inilunsad na sportsfest. Hindi rin nawala ang spiritual at moral support ng mga sisters ng Franciscan Sisters if the Transfiguration. Tunay nga ang kasabihan na walang hindi magagawa kung lahat ay sama-sama. 

 

 

Quintin Kentz Cavite Jr. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang paghahangad ng pagbabago at kamangmangan sa pagpili ng kandidato

Ika-7 taong anibersaryo ng CIASI, ginanap sa Milan