in

SSS Kapihan sa Milan, dinumog ng mga Pinoy

MILAN, Italy.  Dinumog ng maraming Pinoy ang  ginanap  na Social Security System (SSS) OFW caravan noong  Oktubre a-20, 2011 sa Konsulado ng Pilipinas dito.

altBagamat araw ng Huwebes,  napuno pa rin at nagsiksikan ang mga Pinoy sa  meeting hall ng Philippine Consulate General (PCG).

Tinawag na  “SSS Kapihan sa Milan” ito ang kauna-unahang OFW  caravan ngayong Oktubre  sa apat na destinasyong bansa  sa Europa at Middle East.

Ang OFW  caravan na pinangunahan mismo ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio De Quiros, Jr. ay tumalakay sa mga programa ng SSS.

Ipinaliwanag  ni De Quiros ang kahalagahan ng pagiging miyembro at anu-ano ang mga benepisyo’ng matatanggap nito; tulad ng retirement, disability , maternity, sickness at iba pa.

Tinalakay din niya ang SSS Funds at ang status nito sa ngayon  na may net revenues na 285 billion pesos mula noong 1957 hanggang nitong Hunyo, 2011.

altNaging interesado  ang maraming OFW sa kung papaano ang computation ng SSS pension gayundin sa mga karagdagang  benepisyo para sa mga SSS pensioners tulad ng 13th month pension, dependent’s pension, 1st 18 months pension in advance for retirement (discounted) supplemental allowance at ang lump sum kung hindi  kwalipikado ang miyembro sa buwanang pensyon.

Matapos ang talakayan, isang simpleng hapunan ang inihanda para sa mga dumalo. Pinasaya rin ito ng sing-along / karaoke habang naghahapunan.

 Ang “Be My Lady” performance ni De Quiros ay lalo pang nagpasigla sa mga OFWs . (Zita Baron)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

European OAV registration training targets 1M overseas absentee voters

PH bags first Sci-Olympiad gold in Italy