Roma, Hulyo 24, 2013 – Kasado na ang Comunita Filippina di Roma (CFR) na binubuo ng religous at non-religous associations para sa pagsasagawa ng protest rally bukas laban sa China dahil sa pananakop sa mga isla sa Kalayaan Islands sa Pilipinas, sa Piazza del Popolo – ROMA mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.
Ang rally ay bahagi ng global day of protest na pinamunuan ng US Pinoy for Good Governance (USP4GG) na ginanap nagyong araw na ito, Hulyo 24 sa United States, Asya, Middle East at Europa upang malaman ng buong mundo na tinututulan ng mga Pilipino ang tahasang pananakop ng China sa mga isla sa Kalayaan Islands na, by geographical location, ay nasasakupan ng Pilipinas at matigil ito.
Sa pagpupulong ng CFR para sa 2013 protest rally vs. China (CFR) kamakailan, sinabi ni Mher Alfonso, overall coordinator, inaasahang nilang mahigit 2,000 Pilipino ang darating sa Piazza del Popolo, sentro ng napakaming turista sa Roma upang makuha ang attention ng international community.
Sinabi ni CFR vice-coordinator Lito Viray na handa na ang mga working committees sa pagdagsa ng mga rallyists at hiniling din niyang ipaalam sa Filipino communities na magdala ng mga sumusunod: Phil. Flag/flaglets, placards , tubig na inumin at snacks, orange arm band na kulay ng protest rally (ang kulay ng Roma) at kandila na may holder para sa pagtatapos ng rally sa isang commitment na maging kasapi ng Bantay Isla (ng Pilipinas).
Hinikayat naman ni Monsignor Jerry Bitoon, European Network for Filipinos in Diaspora (ENFID) Central Italy representative, ang mga Pilipino sa Italia na lumahok sa protest rally dahil ito ay pakikipaglaban sa “sovereignty at economic prosperity” ng Pilipinas.
Batay sa report ng USP4GG, target ng China na makuha ang isla ng Recto Bank kung saan may 213 billion barrels ng langis at 2 quadrillion cubic feet ng natural gas dito. Ayon sa huling ulat, nasakop na rin ng China ang Ayungin Reef, ang gateway patungong Recto Bank.
Kaugnay nito, pamumunuan sa Estados Unidos ni Atty. Loida Nicholas Lewis, presidente ng USP4GG ang protest rally sa East Coast at sina Atty. Ted Laguatan at Rodel Rodis ng Global Filipinos Diaspora Council ang sa California.
Si Lewis, chairman ng Global Council Filipino Diaspora Council, ay binansagang “ most wanted Filipino in China” dahil sa kanyang pamumuno sa kampanyang “Boycott Made-in China products”.
(Comunita Filippina di Roma Media)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]