in

“STOP CHINA’S INVASION OF THE PHILS.” PROTEST RALLY, NAKATAKDANG ISAGAWA SA HULYO 25 SA ROMA

Roma – Nagkakaisa ang lahat ng Filipino communities at association sa Rome sa pagsasagawa ng malaking protest rally laban sa China dahil sa pananakop ng mga isla sa Kalayaan Islands sa Pilipinas.

Ang rally na tatawaging  “Stop China’s invasion of the Philippines” ay bahagi ng protesta ng mga Pilipino upang ipakita sa buong mundo na tinututulan nila ang tahasang pananakop  ng China sa lugar na, by geographical location, ay nasasakupan ng Pilipinas.

 
Nakatakdang isagawa ang rally sa Hulyo 25, Piazza del Popolo, 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.
 
Ayon kay Mher Alfonso, coordinator ng Filipino leaders sa Rome, target nilang makapagdala ng 5,000 Pilipino sa Piazza del Popolo na itinuturing na sentro ng napakaming turista sa Roma. 
 
Mahalaga aniya na maipakita ng mga Pilipino sa buong mundo ang hindi makatarungang pag-agaw ng China sa mga isla sa Pilipinas at matigil na ito. 
 
Ayon sa report ng US Pinoy for Good Governance, may 18 isla sa Kalayaan Islands na ang nasasakupan ng China at target nitong makuha ang Ayungin Reef kung saan makikita dito ang napakalaking oil deposit. 
 
Sinabi pa sa report na sa sobrang dami ng oil deposit, magiging pangalawa ang Pilipinas sa Saudi Arabia kung saan nanggagaling ang pinakamaraming  langis sa buong mundo.
 
Kaugnay nito, isang malawakang global protest naman ang nakatakdang isagawa sa bansang America, Pilipinas, Middle East at Europa sa Hulyo 24 bilang tugon sa kampanya laban sa pananakop ng  China ng US Pinoy for Good Governance sa pamumuno ni Atty. Loida Nicholas Lewis, isang mayamang Filipina philanthropist na naka-base sa America. Si Lewis, president ng Global Council for Filipino Diaspora, ay binansagang “ most wanted Filipino in China” dahil sa kanyang kampanyang “Do not buy Made-in China products” .
 
Inaasahang darating ang international media mula sa CNN, Italia at iba pang European media, at ang ABS CBN at GMA upang makakuha ng suporta ang Pilipinas sa international community at  matigil na ang pananakop ng China sa Pilipinas. (ni: Raquel Romero Garcia)
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Imigrante sa Public Administration, aprubado sa Senado

385,000, mga dayuhang walang trabaho sa Italya